PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heaven Peralejo-Marco Gallo romantic status, nananatiling palaisipan

For The Love pilot telecast, na-reschedule sa August 5
by Jojo Gabinete
Published Jul 30, 2023
Heaven Peralejo
Marco Gallo
Nananatiling palaisipan ang tunay na estado ng relasyon nina Heaven Peralejo at Marco Gallo dahil ayaw nilang magsalita o umamin sa anumang namamagitan sa kanila. Ipapalabas na ang kanilang pelikulang The Ship Show sa mga sinehan simula August 9.
PHOTO/S: Viva Artists Agency Official Instagram

Mula sa original airing date na July 29, 2023, inilipat sa August 5 ang pilot telecast ng For The Love, ang romance drama anthology series ni Pops Fernandez sa TV5.

Si Pops ang host ng programa at para sa unang episode na may pamagat na "Kahit Kailan," ang loveteam nina Heaven Peralejo at Marco Gallo ang featured performers.

Pops Fernandez
Heaven Peralejo
Marco Gallo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos kasunod ng guesting nina Heaven at Marco sa For The Love sa August 5 ang cinema playdate sa August 9 ng kanilang pelikula, ang The Ship Show.

Sa ginanap na press conference ng For The Love, nagkunwari si Heaven na sinasakal niya si Marco dahil sa selos nang punahin ng isang entertainment reporter ang tutok na tutok na atensyon ng aktor kay Pops habang nagsasalita ito.

Pero hangga’t hindi diretsahan na umaamin sina Heaven at Marco sa tunay na estado ng kanilang relasyon, mananatiling palaisipan ito sa publiko na naniniwalang may romantic relationship ang dalawa dahil sa pahayag ng aktres sa nakaraan na media conference ng The Ship Show.

“Ako personally, mas gusto ko, kung meron man something sa amin, kung ano man yung status namin, if meron, I would prefer to keep it sa amin lang.

“Kung ano man yung napu-post namin sa social media is what you see is what you get pero sa status, kung ano man kami, I’d rather keep it to ourselves,” ang inilahad ni Heaven na katuwiran tungkol sa kagustuhan niyang ilihim sa publiko ang mga kaganapan sa kanyang personal na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You heard the boss, I can’t say anything,” ang sagot ni Marco nang hingin ang reaksyon niya tungkol sa pahayag ni Heaven.

Kilala si Marco sa pagiging “brutally honest” pero may paliwanag siya tungkol sa sinabi niya.

“I am honest. The thing is she’s gonna be mad at me. Do we want that? No.

“It was about respecting her choice. She wants to keep it to herself so I respect that. It’s a thing that you can’t decide na hindi puwedeng magsabi siya nang ganoon tapos sasabihin ko lang….”

Kumportableng-kumportable si Marco kay Heaven at hindi niya ipinagwawalang-bahala ang suporta na kanyang natanggap mula sa aktres habang ginagawa nila ang The Ship Show.

Ikinuwento ni Marco na inatake ito ng anxiety sa shooting ng kanilang pelikula kaya nahirapan siyang ilabas ang wastong emosyon na hinihingi mula sa karakter na kanyang ginagampanan pero nagawa niya dahil sa tulong ni Heaven.

“I already knew that na magaling siya na aktres and so, I was learning from her, she was guiding me through it.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“There was this scene na hindi ko magawa, she really helped me out. It was really having a personal acting coach and I’m super grateful for that. Getting that from your partner is something to be grateful about.”

Tungkol sa anim na pares ng magkakarelasyon na sumali sa isang reality show at nagsama-sama sa House of Kilig ang kuwento ng The Ship Show.

Parehong produkto sina Marco at Heaven ng reality television show, ang Season 7 ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN noong 2016 kaya pamilyar sa kanila ang ilang mga eksena sa The Ship Show.

Ang kaibahan lang, evicted si Marco mula sa PBB house samantalang boluntaryo ang paglabas ni Heaven dahil sa importanteng dahilan.

Buong puso na pinagbigyan ni Heaven ang kahilingan na magkita sila ng kanyang cancer-stricken mother bago ito sumailalim sa operasyon.

Mahal na mahal ni Heaven ang nanay nito na tumatayo bilang manager niya at hanggang ngayon, sinasamahan siya sa mga showbiz commitment kaya naging madali para sa kanya na iwanan noon ang PBB house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nananatiling palaisipan ang tunay na estado ng relasyon nina Heaven Peralejo at Marco Gallo dahil ayaw nilang magsalita o umamin sa anumang namamagitan sa kanila. Ipapalabas na ang kanilang pelikulang The Ship Show sa mga sinehan simula August 9.
PHOTO/S: Viva Artists Agency Official Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results