PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlo Aquino's Unique Relationship with Charlie Dizon

Carlo Aquino, nadiskubre kung gaano kasayang katrabaho si Coleen Garcia.
by Jojo Gabinete
Published Aug 1, 2023
carlo aquino charlie dizon relationship
Carlo Aquino on girlfriend Charlie Dizon: "Feeling ko nga, sobrang gaan-gaan ko ngayon towards other people. Ganoon yung effect niya sa akin, nangyari nung nakilala ko siya. Feeling ko, isa yon sa mga testament na okay yung relationship namin. Magaan ka sa tao.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @charliedizon_on Instagram

Si Coleen Garcia ang kapareha ni Carlo Aquino sa Kung Hindi Lang Tayo Sumuko, ang six-part romantic drama series na mapapanood sa Viva One streaming site simula sa August 21, 2023.

Kung hindi pa sila nagkasama sa isang proyekto, hindi raw malalaman ng aktor na masayang katrabaho ang asawa ni Billy Crawford.

"Hindi ko ine-expect na sobrang jolly ni Coleen kasi nagkikita kami, kasama niya si Kuys [Billy Crawford] sa mga ball, sa mga formal event.

"Siyempre, hi and hello, konting usap. Pero nalaman kong makuwento siya.

“Mahilig kaming mag-gym tapos nagmo-motor na rin siya,” kuwento ni Carlo tungkol kay Coleen sa media conference ng Kung Hindi Lang Tayo Sumuko na naganap sa Viva Café, Quezon City, nitong Martes ng tanghali, August 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba’t ibang istorya ng pakikipaglaban sa pag-ibig ang kuwento ng Kung Hindi Lang Tayo Sumuko.

Tinanong si Carlo kung ano ang makapagpapasuko sa kanya.

Sagot ng aktor, "Siguro, sumusuko kapag hindi na maganda para sa mental health, wala na yung balance mo sa buhay. Kapag sa tingin mo, e, hindi na ikaw yung sarili mo. Wala ka na sa sarili mo.”

Pero iginiit ni Carlo na madalas siyang masaya.

Ganadung-ganado naman sa pagsasalita si Carlo nang mapag-usapan ang kanyang girlfriend na si Charlie Dizon.

Read: Charlie Dizon officially confirms relationship with Carlo Aquino: “Opo, boyfriend ko po.”

“Very happy,” sabi niya tungkol sa relasyon nila ni Charlie.

“Sobrang opposite kami. Sobrang madaldal siya, makuwento siya. Sobrang napapatawa niya ako, napapa-smile.

"Feeling ko nga, sobrang gaan-gaan ko ngayon towards other people. Ganoon yung effect niya sa akin, nangyari nung nakilala ko siya.

“Feeling ko, isa yon sa mga testament na okay yung relationship namin. Magaan ka sa tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi itinanggi ni Carlo na nag-umpisa sa set ng A Soldier’s Heart ang pagkakamabutihan nila ni Charlie.

Nakilala nila nang lubusan ang isa’t isa dahil sila ang araw-araw magkasama at "magkatambay" sa mga event ng Star Magic.

Ang A Soldier’s Heart ang action-drama series ng ABS-CBN na napanood sa telebisyon mula January 2020 hanggang September 2020.

Sina Carlo at Charlie rin ang magkatambal sa pelikulang Third World Romance, na closing film sa Cinemalaya 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino on girlfriend Charlie Dizon: "Feeling ko nga, sobrang gaan-gaan ko ngayon towards other people. Ganoon yung effect niya sa akin, nangyari nung nakilala ko siya. Feeling ko, isa yon sa mga testament na okay yung relationship namin. Magaan ka sa tao.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @charliedizon_on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results