PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor, clueless sa pagtatapos ng kinabibilangang programa

Is he the last to know?
by Jojo Gabinete
Published Aug 4, 2023
Blind item
ILLUSTRATION: Igi Talao

Nagdaramdam ang isang aktor dahil hindi nito alam na matatapos na pala ang programang malaki ang partisipasyon niya, pero, diumano, inilihim ng mga tao na kanyang pinagkatiwalaan.

Nakarating lamang sa aktor ang balita, na napatunayang totoo at hindi basta tsismis, dahil nagpaalam na rin ang ibang mga kasamahan niya sa trabaho.

Pinag-iisipang mabuti ng aktor kung magsasalita siya o sasabihin sa publiko ang malungkot na karanasan.

Pero marami ang nagpapayo sa kanyang manahimik at proteksiyonan na lamang niya ang sariling interes.

Mas malaki ang mawawala sa aktor kung paiiralin nito ang emosyon dahil puwedeng maapektuhan ang trabaho ng isang kamag-anak niyang production staff ng ibang programa.

Kung isisiwalat ng aktor ang katotohanan, posibleng hindi rin matuloy ang kanyang planong gumawa ng proyekto na pagbibidahan ng sikat na personalidad at ng mga anak nito.

Sa ngayon, tahimik pa ang aktor na nagdaramdam dahil nasaktan nang husto sa "betrayal" na kanyang naranasan mula sa mga taong itinuring niya na tunay na kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
blind item, showbiz tita
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results