Magaganap ang gabi ng parangal ng 2023 ASEAN International Film Festival & Awards (AIFFA ) sa Kuching Island, Sarawak, Malaysia, sa Biyernes, August 4, 2023.
Bukas pa malalaman kung papalarin si Coleen Garcia na magwagi para sa kanyang mahusay na pagganap sa Kaluskos, ang horror movie ng direktor na si Roman Perez Jr.
Nominado si Coleen sa best actress category ng 2023 AIFFA.
Kapag nanalo, ito ang kanyang ikalawang international best actress award dahil siya ang hinirang na pinakamahusay na aktres sa 4th El Grito International Fantastic Film Festival ng Cine Unidos sa Sambil San Cristobal, Venezuela, noong November 2022 para pa rin sa Kaluskos.
Read: Coleen Garcia wins best actress for "Kaluskos" in Venezuela filmfest
Umalis ng Pilipinas si Coleen noong Miyerkules, August 2, dahil nagpunta siya sa Malaysia para dumalo sa 2023 AIFFA.
Hindi si Coleen ang nag-iisang Pilipino na nominado na best actress sa 2023 AIFFA dahil katunggali niya para sa nasabing kategorya si Max Eigenmann, ang lead actress ng Kargo.
Read: Presenting Cinemalaya 2022 winners; Max Eigenmann wins Best Actress
Sina Andrew Ramsay at Tommy Alejandro ang mga Pilipinong nominado sa best actor category. Nominated ang nakababatang kapatid ni Derek para sa Ginhawa at si Tommy ay nominated para sa The Baseball Player.
Best supporting actress nominees sina Ruby Ruiz (Ginhawa) at Elora Espano (Walker).
Nominado naman sa kategoryang best supporting actor sina Benjamin Alves (Angkas) at JM San Jose Bautista (The Baseball Player).
Best director nominee sina Louie Ignacio (Broken Blooms) at Carlo Obispo (The Baseball Player), habang ang Ginhawa at Kargo ang Filipino movies na nominado sa best film category.
Best screenplay nominees ang Angkas at Ginhawa.
Nominado sa best film editing ang Katips, at contender si Alex Espartero sa best director of cinematography para sa Sitio Diablo.