Inamin ng YouTube celebrity Spanish chef na si Daniel Sancho Bronchalo na siya ang pumatay at kumatay sa katawan ng 44-year-old Colombian surgeon na si Dr. Edwin Arrieta Arteaga.
Base ito sa Thai police na nag-iimbestiga sa karumal-dumal na krimen, na naganap sa Ko Phangan, Southern Thailand noong August 2, 2023.
Anak si Daniel, 29, ng Spanish actors na sina Rodolfo Sancho Aguirre at Silvia Bronchalo kaya malaking balita sa kanilang bansa at sa Europe ang krimeng ginawa niya.
Nakipag-ugnayan na si Rodolfo sa Spanish embassy sa Thailand at nakatakda siya na bumiyahe patungo rito para damayan ang kanyang anak sa kaso na kinasasangkutan nito.
Read: Robi Domingo fiancée diagnosed with rare autoimmune disease
WHAT HAPPENED
Natagpuan ng mga basurero ang pinagputol-putol na bahagi ng katawan ni Arrieta sa isang tambakan ng basura noong Huwebes, August 3.
Kinabukasan, Biyernes, August 4, nakita ang isang itim na plastic bag na naglalaman ng dalawang putol na binti, itim na t-shirt at red boxer shorts.
Si Daniel ang huling namataan na kasama ng biktima base sa mga security video na nakalap ng Thai Police.
At noong Huwebes ng gabi, nagpunta ang 29-year-old celebrity chef sa Koh Pangan police station para iulat ang pagkawala ni Arrieta.
Noong Biyernes, dinala si Daniel sa nabanggit na police station para imbestigahan at dito niya inamin na siya ang pumaslang kay Arrieta.
Read: Melai Cantiveros to bashers of daughter, Mela: "Bata lang ang anak ko, guys."
ACCUSED CLAIMS HE AND THE VICTIM ARE LOVERS
Sinabi ni Police Lt.Gen. Surapong Thanomjit ng Provincial Police Region 8 na ang mga kamag-anak ni Arrieta ang nagkuwento sa kanya na isang taon na ang relasyon ng biktima at ni Daniel.
Nagpunta ang dalawa sa Koh Pangan para dumalo sa Full Moon party.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, isinalaysay umano ni Daniel na pinilit ito ni Arrieta na magtalik sila.
Pero tumanggi siya at dahil sa matinding galit, nasuntok niya ang biktima na nawalan ng malay nang tumama sa bathtub ang ulo.
Kinatay ni Daniel ang katawan ni Arrieta na pinagputul-putol niya sa labing-apat na piraso, isinilid sa travel bag at plastic bags.
Iniwan ni Daniel ang plastic bags sa garbage bin at itinapon niya ang travel bag sa isang beach na malapit sa hotel na kanyang tinutuluyan at saka siya nag-check out.
Kinagabihan, dumalo si Daniel sa sa Full Moon party, kasama ang dalawang babae at pagkatapos nito, nagsadya siya sa police station para i-report na nawawala si Arrieta.