Natupad ang matagal nang pangarap ni Cindy Miranda na mapansin ang husay niya sa pag-arte dahil sa kanyang nominasyon sa best actress category ng 39th LUNA Awards ng Film Academy of the Philippines.
Nominado si Cindy para sa karakter na ginampanan nito sa Reroute, ang suspense-thriller movie ng Viva Films na ipinalabas sa Vivamax at Netflix.
Read: Cindy Miranda naniniwalang dumating na ang tamang panahon para sa katuparan ng pangarap
Pinagmalaki niya ang proyekto dahil nakakuha ito ng nominasyon para sa anim na kategorya ng 71st FAMAS Awards: Best Actor (John Arcilla), Best Supporting Actor (Sid Lucero), Best Production Design (Law Fajardo), Best Editing (Law Fajardo), Best Cinematography (Joshua Reyes), at Best Sound.
Sa nakaraang interbyu ng Cabinet Files kay Cindy, sinabi niya na masaya siya sa mga nangyayari sa kanyang acting career.
"Parang ang feeling ko, tama yung timing. Palaging may plan. Kailangan mo talagang daanan yung sakit, yung hirap.
"People thought na lumitaw na lang ako bigla. They don’t know what I’ve been through and sobrang thankful ako kay God," saad ng dating beauty queen.
Masaya si Cindy sa mga nominasyon niya, kahit mga kapwa Viva stars ang kanyang mga mahigpit na kalaban sa best actress category ng 39th Luna Awards, kabilang sina Cristine Reyes (Maid in Malacañang) at Heaven Peralejo (Nananahimik ang Gabi).
Ipinagmamalaki naman ng Viva Entertainment ang multiple nominations ng Reroute, Deleter, at Greed sa 71st FAMAS.
Kung nominado sa anim na kategorya ang Reroute, walo ang nominasyon ng Deleter sa acting at technical categories: Best Picture, Best Supporting Actress (Louise Delos Reyes), Best Director (Mikhail Red), Best Screenplay (Nikolas Red and Mikhail Red), Best Editing (Nikolas Red), Best Cinematography (Ian Alexander Guevara), Best Musical Score, at Best Sound.
Tatlo ang nominasyon ng Greed, ang pelikula nina Nadine Lustre at Diego Loyzaga, na napanood sa Vivamax simula noong March 16, 2022. Na-nominate ito para sa Best Actress (Nadine), Best Actor (Diego Loyzaga), at Best Production Design (James Rosendal).
MORE HOT STORIES ON PEP.PH