PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mister Supranational PH 2023 Rissler's Singing Dream

Johannes Rissler, binanggit ang three most memorable moments sa Mr. Supranational 2023.
by Jojo Gabinete
Published Aug 10, 2023
johannes rissler homecoming
Johannes Rissler on his Mister Supranational 2023 journey: "After ng announcement [ng winners], parang yung feeling na pumasok sa akin, ‘Okay iba na naman ang focus ko. Tapos na ako dito.’"
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Naganap ang Supra-Duo Homecoming Celebration para kina Miss Supranational 2023 first runner-up Pauline Amelinckx at Mister Supranational 2023 Top 2 finisher Johannes Rissler sa Crowne Plaza Manila Galleria, Quezon City, nitong Huwebes ng hapon, August 10, 2023.

Unang humarap si Johannes sa mga miyembro ng media.

Nagkuwento siya tungkol sa kanyang mga karanasan nang siya ang kumatawan sa Pilipinas sa 7th edition ng Mister Supranational na idinaos sa Strzelecki Park Amphitheater, Nowy S?cz, Poland, noong July 15, 2023.

Read: Ivan Alvarez ng Spain, wagi bilang Mister Supranational 2023; PH bet, nag-Top 20

“Mas love ko na yung adobo. Alam mo naman, iba yung food doon.

"At mas naging deep kung saan yung roots ko, which is the Philippines,” saad ni Johannes, na na-miss nang husto ang mga Pinoy na pagkain sa ilang araw na pananatili niya sa Poland.

Ang pagpunta sa Poland, ang mga pagkakaibigang nabuo, at ang coronation night ng Mister Supranational 2023 ang tatlo sa mga karanasang sinabi ni Johannes na hindi nito malilimutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung travel, may mga waiting time, pero mas nae-enjoy ko yung feeling na yon.

“The second one was yung brotherhood namin kasi nga mahilig akong makipag-connect with anyone, and I’m happy na naging okay lang yung energies namin.

“The third one was yung finals kasi yun na ang the truth, yung inabangan naming lahat.

"After ng announcement [ng winners], parang yung feeling na pumasok sa akin, ‘Okay iba na naman ang focus ko. Tapos na ako dito,’" lahad niya.

Pagkatapos ng pagsali niya sa Mister Supranational 2023, ang kanyang singing career ang aasikasuhin ni Johannes.

Nag-compose siya ng sariling kanta na may pamagat na "Peace of Mind."

Napakinabangan ni Johannes ang pagiging singer habang nasa Poland siya dahil sa mga jamming session nila ng ibang mga kandidato.

Kuwento niya, “Si Peru at si Nepal, nanghihiram sila ng gitara ko for the talent competition.

"Before that, nag-jamming kami. Sila yung nauna, ako nahihiya kasi siyempre excited ako, ninenerbiyos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ako yung pinakanta. Ang sarap sa feeling na yung isang kanta, kaya mo silang pasabayin.

“I get to sing my own song or composition, the title is 'Peace of Mind.' Kahit papaano, nagustuhan naman nila.”

Nabigyan ng break sa showbiz si Johannes nang sumali siya sa "Bidaman" contest ng It’s Showtime noong 2019.

Ang Momshies, Ang Soul Mo’y Akin, Gen Z, at BenXJim ang ilan sa mga pelikula at original series na proyekto ni Rissler bago siya nanalo ng Mister Supranational Philippines 2023 title sa Mister Pilipinas Worldwide pageant ng Empire.ph noong May 6, 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Johannes Rissler on his Mister Supranational 2023 journey: "After ng announcement [ng winners], parang yung feeling na pumasok sa akin, ‘Okay iba na naman ang focus ko. Tapos na ako dito.’"
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results