PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marvin Agustin, inaming hindi siya "single" ngayon

Marvin Agustin, ikinuwento ang pagsisimula ng kanyang cochinillo business.
by Jojo Gabinete
Published Aug 11, 2023
marvin agustin fast talk
Marvin Agustin on how he started baking: “I was just trying to learn how to bake dahil hindi ako marunong mag-bake. Chinallenge ko yung sarili ko dahil wala tayong ginagawa sa bahay. At the same time, I was so scared kung mag-o-open pa yung mga restaurant, so chinallenge ko yung sarili kong mag-bake. Natutunan ko, banana bread and carrot."
PHOTO/S: GMA Network

“Hindi naman ako umalis,” sagot ni Marvin Agustin nang magtanong ang Cabinet Files tungkol sa pagbabalik niya sa GMA-7.

Muling tumuntong si Marvin sa bakuran ng Kapuso Network makalipas ang apat na taon dahil siya ang bisita sa Fast Talk with Boy Abunda kahapon, August 10, 2023.

Tulad ni Jose Mari Chan na sikat na sikat tuwing September 1, may memes na si Marvin dahil katunog ng nabanggit na petsa (August 10) ang kanyang screen family name.

Ipinagdiriwang ni Marvin ang kaarawan nito tuwing January 29. Pero dahil sa memes tungkol sa kanyang apelyido, nakatatanggap siya ng mas maraming pagbati kapag sumasapit ang August 10 kesa sa araw ng pagsilang niya.

marvin agustin meme

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang alam ang publiko tungkol sa love life ni Marvin.

Nang magtanong si Boy Abunda tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang puso, sinabi nitong masaya siya ngayon.

Diretsahang sinabi ni Marvin na hindi ito “single” pero hindi na siya nagbigay ng karagdagang detalye, kasunod ng pagpapahid niya ng pawis sa noo, gamit ang kanyang kamay.

Read: Marvin Agustin open to the idea of marriage; happy with just two kids

Nagdala si Marvin sa set ng Fast Talk ng cochinillo (week-old piglets na niluluto sa oven) at carrot cake, ang dalawa sa mga best-seller sa kanyang food business.

Ang carrot cake na gawa ni Marvin ang isa sa mga pinakamasarap na natikman namin kaya walang mag-aakalang natuto lamang siya ng baking noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

marvin agustin fast talk

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Marvin, “I was just trying to learn how to bake dahil hindi ako marunong mag-bake. Chinallenge ko yung sarili ko dahil wala tayong ginagawa sa bahay.

“At the same time, I was so scared kung mag-o-open pa yung mga restaurant, so chinallenge ko yung sarili kong mag-bake. Natutunan ko, banana bread and carrot.

“Nagbe-bake ako almost every day kasi dumami na yung orders, e, maliit yung oven sa kusina. Nag-inquire ako sa malaking oven, medyo may kamahalan pero ang ganda.

“Pumayag sa akin na installment. Hindi kasi siya pang-homebaker, pang-industrial siya pero nakakatipid ka ng gas.

"Nabili ko nga yung oven na yon. So, from everyday baking, naging three to four days na lang.

“May tatlong araw na libre yung oven. Anong gagawin ko, e, nagbabayad ako ng [monthly installment] oven?

"Na-tempt ako na mag-cochinillo because of my experience in Spain, nakatikim ako ng sobrang sarap at kasya sa oven, nakatsamba.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Marvin Agustin moves on from cochinillo complaints; grateful to loyal customers

Isa si Marvin sa mga artistang itinuturing na mayaman dahil bukod sa tagumpay ng kanyang mga negosyo, masinop siya sa pera.

Kahit puwedeng bayaran ni Marvin nang cash ang industrial oven na kanyang binili noong pandemya, nakiusap siya sa kanyang binilhan na huhulugan niya ng P8,000 kada buwan ang oven na nagkakahalaga ng P80,000.

Mula noon, nadagdagan na ang bilang ng mga industrial oven na pag-aari ni Marvin dahil marami ang tumatangkilik sa kanyang cochinillo at cake business.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marvin Agustin on how he started baking: “I was just trying to learn how to bake dahil hindi ako marunong mag-bake. Chinallenge ko yung sarili ko dahil wala tayong ginagawa sa bahay. At the same time, I was so scared kung mag-o-open pa yung mga restaurant, so chinallenge ko yung sarili kong mag-bake. Natutunan ko, banana bread and carrot."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results