Ang koronasyon at paglalagay ng "The Miss Philippines" sash kay Miss Supranational 2023 first runner-up Pauline Amelinckx ang highlight ng Supra Duo Homecoming Celebration kahapon, August 10, 2023.
Ang event ay inihanda ng Empire.Ph para kay Pauline at kay Johaness Rissler, ang Top 20 finalist sa 7th Mister Supranational noong nakaraang buwan.
Read: Mister Supranational Philippines 2023 Johannes Rissler, tututukan ang singing career
Ang The Miss Philippines Culture and Heritage Celebration na itinatag nina Jonas Gaffud at Shamcey Supsup, na mga namumuno rin sa Miss Universe Philippines Organization, ang pinakabagong pageant na isinalarawan nila bilang "most ground-breaking national competition."
Ang mga magwawagi sa The Miss Philippines sa October 2023 ang magiging kinatawan ng ating bansa sa mga international pageant na Miss Supranational at Miss Charm.
Tuwing Sabado sa buong buwan ng Agosto mula alas-onse ng umaga hanggang ala-singko ng hapon sa Enderun CoWorking Estancia ng South Wing ng Estancia Mall, Pasig City, ang screening.
Bukas ang pageant sa mga dalaga, nasa pagitan ng mga edad na 18 at 35, na nangangarap maging beauty titleholder.
Saad ni Pauline, “In all honesty, medyo nahihirapan ako because The Miss Philippines, let’s say, has just been born and it’s gonna be different from the Miss Universe Philippines, for example.
"So, I myself now also need to try and find someone that’s gonna fit the other mold, a little bit better, if mold is really the right term ‘coz we also try to make our own mold, but they will always be looking for something in particular.”
Nang tanungin tungkol sa mga pagbabago sa kanyang buhay mula nang sumali siya sa Miss Supranational 2023, napaluha si Pauline nang mabanggit nito ang kanyang ina na si Linda, na nagdiwang ng kaarawan noong August 9, 2023.
Saad ng beauty queen, “It has made me all the more appreciative and grateful for the people around me because, like I said before, it’s really isn’t a one-woman journey.
"And it has been an ambition of mine for so many years already to finally wear the Philippine sash, to say 'Philippines' with a microphone.
"And it wouldn’t have been possible if not for the people or my team, if not for my mom…"
Napaiyak si Pauline dahil malaki ang pagpapahalaga nito sa kanyang ina na buong-buo ang suporta sa pangarap niyang maging beauty queen.