Matutuloy na ang pagbabalik ni Yassi Pressman sa GMA-7 dahil isa siya sa mga makakatambal ni Ruru Madrid sa Black Rider, ang upcoming action-drama series ng GMA Public Affairs.
Nakatakdang mag-umpisa ang taping ni Yassi para sa Black Rider, na mula sa direksiyon nina Rommel Penesa at Richard Arellano, sa susunod na linggo.
Gagampanan ni Yassi ang karakter ni Vanessa.
Ayon kay John Mychal Feraren, ang Senior Program Manager ng GMA Public Affairs, pinili nila ang aktres bilang kapareha ni Ruru dahil sa malakas na chemistry ng dalawa.
“We think perfect si Yassi for the role of Vanessa. Look test pa lang, malakas na ang chemistry nila ni Ruru.
"Fresh ang tandem nila, and we think mae-excite din ang viewers sa kanila,” paliwanag ni John tungkol sa desisyon nilang kunin ang serbisyo ng 28-year-old actress.
Makakasama nina Yassi at Ruru sa Black Rider sina Matteo Guidicelli, Katrina Halili, at Kylie Padilla.
Ang Black Rider ang ikalawang pagtatambal nina Yassi at Ruru dahil sila rin ang mga bida sa Video City, ang pelikula ng Viva Films at GMA Pictures na ipalalabas sa mga sinehan sa September 20, 2023.
Read: Yassi Pressman at Ruru Madrid, magtatambal sa pelikula
Ang TV remake ng Saan Nagtatago ang Pag-Ibig?, ang 1987 blockbuster movie na pinagbidahan nina Vilma Santos, Ricky Davao, at Tonton Gutierrez, ang dapat na comeback project ni Yassi sa dating home studio niya.
Tatampukan sana nila ito nina Marco Gumabao at Ken Chan.
Read: Yassi Pressman at Marco Gumabao, matuloy kaya ang soap sa GMA-7?