PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon, may patama ba kay Yorme Isko Moreno?

Sadya bang itinapat kay Yorme Isko si Mayor Jose?
by Jojo Gabinete
Published Aug 20, 2023
Joey de Leon
May bagong cryptic post si Henyo Master Joey de Leon sa kanyang Instagram post na pinaghihinalaang patama kay Yorme Isko Moreno.
PHOTO/S: @angpoetnyo Instagram

“G na Gitle [Genuine na Legit] Dehins Gedtali [Hindi Tagilid]" ang bago at pinag-uusapang Instagram post ni Joey de Leon ngayong Linggo ng gabi, August 20, 2023.

Palaisipan sa mga tagasubaybay ni Joey ang naging mitsa para muling magpatutsada ang controversial co-host ng E.A.T., ang noontime variety program ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala ang mga tagasuporta ni Joey na may insidente o isyu na nag-udyok sa kanya para ibahagi sa lahat ang cryptic post na ginamit niyang caption sa larawan ng lahat ng mga host ng E.A.T..

May mga nag-iisip na baka si former Manila City Mayor Isko Moreno, na may sariling segment sa Eat Bulaga! na "G sa Gedli," ang pinatutungkulan ng Instagram post ng comedian at TV host na tinaguriang "Henyo Master."

Si Isko ang isa sa mga ipinalit bilang co-host ng Eat Bulaga! at ang "G sa Gedli" ang kanyang public service segment na namimigay ng pera sa mga taobf nakakasalamuha nila ni Buboy Villar sa mga lugar na kanilang pinupuntahan.

Kung may "G sa Gedli" ang Eat Bulaga!, may "Sugod Bahay Mga Kapatid!" ang E.A.T. na version nila ng "Juan for All, All for Juan," isa sa mga dating public service segment ng TV program na pinanggalingan nina Joey, Tito, at Vic Sotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maingay at inaabangan ang "Sugod Bahay Mga Kapatid!" mula nang mag-umpisa itong mapanood sa E.A.T. dahil sa popularidad ni Mayor Jose Manalo, ang karakter ni Jose Manalo na isinalarawan bilang ang "Mayor na walang talo dahil ipinanganak na Manalo."

Jose Manalo

Ang "Sugod Bahay Mga Kapatid" at si Mayor Jose Manalo ang isa sa mga dahilan ng mataas na ratings ng E.A.T. dahil kinaaaliwan nang husto ng televiewers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinaniniwalaan ng mga mahihilig sa intriga na sinadyang itapat ng E.A.T. si Mayor Jose Manalo kay Isko na dating mayor ng Maynila at malakas din ang "G sa Gedli" segment sa Eat Bulaga!.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May bagong cryptic post si Henyo Master Joey de Leon sa kanyang Instagram post na pinaghihinalaang patama kay Yorme Isko Moreno.
PHOTO/S: @angpoetnyo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results