Si Vina Morales ang gaganap na Aurora Aquino sa Here Lies Love, ang musical na kasalukuyang itinatanghal sa Broadway Theatre, New York City.
Mapapanood si Vina bilang ina ni Ninoy Aquino mula September 22, 2023 hanggang October 22, 2023.
Ang Broadway debut ni Vina ang malaking balita tungkol sa kanya na binanggit ni Boy Abunda sa guesting ng 47-year-old singer-actress sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, August 17, 2023.
Read: Vina Morales, muling tumuntong sa GMA-7 pagkatapos ng mahigit 20 taon
Dalawang buwan mawawala si Vina sa Pilipinas para sa partisipasyon niya sa Here Lies Love, at ito ang kanyang kinumpirma nang makausap siya ng Cabinet Files.
Si Lea Salonga ang isa sa mga gumanap na Aurora Aquino sa Here Lies Love, at suportado niya si Vina sa unang Broadway show nito.
Read: Lea Salonga addresses dressing-room incident with Pinoy fans in Broadway
Ang direktor na si Bobby Garcia, isa sa mga producer ng Here Lies Love, ang humingi ng self-shoot audition video ni Vina, ayon sa kuwento ng kaibigan ng aktres na si Boy.
Lahad ni Boy, “Ginawa ni Vina ito at sa madaling-salita, nakapasa po. Sabi nga ni Vina, nag-antay siya ng ten years because ten years ago, she auditioned for Here Lies Love kaya pamilyar sa kanya ang mga direktor ng musical na ito.
“She worked hard and Vina was profused with gratitude for Lea Salonga who guided her sa kanyang audition.
"Kaya sa aming pag-uusap noong nakaraang Huwebes, sabi ko good things happen to people who wait. Yan po ang nangyari kay Miss Vina Morales.
“So, inuulit ko po, from September 22 to October 22, as of now, Vina is performing in Broadway sa musical na Here Lies Love.”
Ibinahagi ni Boy ang balitang ito sa kanyang programa sa GMA 7 ngayong Lunes, August 21, ang araw na ginugunita ang ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni Ninoy Aquino.