Nominado ang former beauty queen na si Cindy Miranda sa best actress category ng Luna Awards, ang nagbabalik na award-giving body ng Film Academy of the Philippines, para sa kanyang pagganap sa Vivamax movie na Reroute.
Read: Cindy Miranda, kapwa nominado sina Cristine Reyes, Heaven Peralejo sa 39th Luna Awards
“Natuwa ako,” reaksiyon ni Cindy nang malaman niya ang magandang balita tungkol sa kanyang nominasyon sa Luna Awards.
“We shot that movie two years ago. Hindi ko akalain na mapapansin po nila yung level ng acting ko that time, and I’m still being considered new to this industry.
“Yung mapabilang ako sa magagaling na aktres, nakakataba po ng puso. Nakaka- inspire na mas pagbutihan ko pa lalo.
"And that nomination tells me I am doing something right."
Iniaalay ni Cindy ang acting nomination niya sa kanyang namayapang ama noong September 2019.
“I dedicate my acting nomination to my dad. Wala na po siya, pero yun ang dream namin.
"Of course, I also dedicate it to my family, friends, at sa lahat ng mga taong hindi napapagod sa pagsuporta sa akin.”
Read: Reroute star Cindy Miranda, hindi kayang gawin ang car sex sa totoong buhay
Dalawa ang regular shows ni Cindy sa TV5 — ang sitcom na Team A at ang drama series na Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan.
Pero iilan ang nakakaalam na inihinto niya ang kanyang acting career noong nakaraang taon.
“I stopped for a year noong 2022. I thought ayoko na, but I’m glad I’m back in acting. Iba yung self-fulfillment na ibinibigay sa akin," rebelasyon ni Cindy.
Itinuturing ng beauty queen-actress achievement ang desisyon niyang balikan ang pag-aartista.
“Sa personal life ko, okay na po ako. Okay ako araw-araw.
"But of course, I’m looking forward to be happier. I really want a peaceful and happy life,” saad ni Cindy.
Isang romantic-comedy movie ang susunod na proyekto ni Cindy kapag natapos na ang taping niya para sa kanyang mga programa sa TV5.