PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco Nacino, di pa napapatawad ang nang-scam sa kanya

Rocco: "Kilalanin talaga bago magkaroon ng kahit anong transaction."
by Jojo Gabinete
Published Aug 23, 2023
rocco nacino gma gala 2023
Rocco Nacino: "Sa case ko, akala ko investment lang, babalik ang pera, pero wala na akong narinig tungkol sa tao na yon until now. There’s so much I can do but talagang mag-wish na bumalik yon. Pero naniniwala naman ako sa karma. Babalik naman yon in some other ways. Sa ngayon, magtrabaho nang maayos para malinis na pera yung matanggap."
PHOTO/S: @nacinorocco on Instagram

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na naging biktima ng business scam ang karakter na ginagampanan ni Rocco Nacino sa The Missing Husband, ang action- suspense-drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa August 28, 2023.

Sa tunay na buhay, naranasan ni Rocco na mabiktima dahil nagtiwala ito sa taong naghikayat sa kanyang pasukin ang isang business investment pero niloko lamang siya.

“A friend of a friend. Pati friend ko, na-scam niya. Business investment daw at may babalik na pera pero hindi na siya na-contact after,” sabi ni Rocco nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Miyerkules ng hapon, August 23, tungkol sa karanasan niya noong nagturo sa kanya ng importanteng aral na maging maingat at huwag basta magtitiwala.

Hindi na nagbigay si Rocco ng detalye tungkol sa negosyo na pinasok nito.

“Hindi po,” sagot niya nang itanong namin kung nakapagpatawad na siya.

Pumasok noon sa isip ni Rocco na magsampa ng kaso laban sa scammer pero hindi niya itinuloy dahil sa mahabang proseso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Hassle pa.”

Ano ang mga aral na natutunan mo sa nangyari?

“I learned not to trust anyone easily. Kilalanin talaga bago magkaroon ng kahit anong transaction," sagot ni Rocco.

Bago pa nakausap si Rocco ng Cabinet Files, nagkuwento na siya sa digital media conference ng The Missing Husband noong Martes, August 22, tungkol sa kanyang malungkot na karanasan.

Lahad niya, “Nangyari na po once and maraming attempts din na mahanap yung tao, but then, no avail.

“May sinabi si Joross [Gamboa, co-star niya sa The Missing Husband] na too good to be true. Ang daling sabihin, ang dami pa rin nasisilaw sa mga salita.

"Sometimes, yung mga tao na nakakausap namin, they’re able to show it, ‘Ako nagawa ko ito. Ikaw, kaya mo rin.’

“Lalo sa panahon ngayon, to take advantage noong pandemic, maraming naapektuhan kaya marami ang naging interested sa get-rich-quick schemes.

"Yung iba naman kasi okay, pero marami naman business na hindi ganoon kadali kumita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa case ko, akala ko investment lang, babalik ang pera, pero wala na akong narinig tungkol sa tao na yon until now.

“There’s so much I can do but talagang mag-wish na bumalik yon. Pero naniniwala naman ako sa karma. Babalik naman yon in some other ways.

"Sa ngayon, magtrabaho nang maayos para malinis na pera yung matanggap."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino: "Sa case ko, akala ko investment lang, babalik ang pera, pero wala na akong narinig tungkol sa tao na yon until now. There’s so much I can do but talagang mag-wish na bumalik yon. Pero naniniwala naman ako sa karma. Babalik naman yon in some other ways. Sa ngayon, magtrabaho nang maayos para malinis na pera yung matanggap."
PHOTO/S: @nacinorocco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results