PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Raval, 18 Anak: 'Senior Citizen Na!'

Jeric Raval, may kundisyon kay Aljur Abrenica para sa anak na si AJ Raval.
by Jojo Gabinete
Published Aug 23, 2023
jeric raval senior citizen
Bilang patunay na senior citizen na siya, ipinakita ni Jeric Raval ang kanyang BIR ID kung saan nakasaad na isinilang siya noong 1961.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Kung nagpapabata ang ibang mga artista, ipinagmamalaki naman ni Jeric Raval na 62 years old na siya—na mahirap na paniwalaan dahil sa kanyang batambatang hitsura.

Read: Jeric Raval, senior citizen na?

Para patunayang hindi siya nagbibiro, ipinakita ni Jeric sa amin ang kanyang mga senior citizen at BIR ID bilang pruweba nang makausap namin siya sa studio ng Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules ng hapon, August 23, 2023.

Nakasaad sa mga ID ni Jeric na isinilang siya noong April 6,1961.

Totoo ang kanyang pahayag na kasing-edad niya si Albert Martinez.

Ikinuwento ni Jeric na 27 years old na siya nang pumasok sa showbiz pero pinabata o ginawang 18 ng kanyang home studio, ang OctoArts Films, ang edad niya.

Dahil baby-faced, walang kumontra sa press release na edad ni Jeric.

Itinapat siya kay Robin Padilla na sikat na sikat noon, at napagdudahan rin siyang anak ni Ace Vergel na malaki ang pagkakahawig sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Jeric sa guesting nito sa afternoon showbiz talk show ni Boy Abunda sa GMA-7 ang kanyang asawa na si Holiday, ang dalawang anak nilang lalake at ang anak niyang babae sa dating aktres na si Monica Herrera.

Read: Jeric Raval, itinuturing na "trophy" ang dakila at martir na asawang si Holiday

jeric raval wife and kids

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumasa si Jeric sa hamon ni Boy na sabihin ang lahat ng mga pangalan ng kanyang labingwalong anak, pero nabigo siya dahil labing-apat lamang ang nabanggit niya— sina Tiffany, Joshua, Mela, Angelica, Janina, JK, AJ, Ace, Gabe, Vanessa, Sabel, Shaun, Sam, at Noriko.

“Ang dami kasi! Senior citizen na!” natatawang reaksiyon ni Jeric dahil hindi na niya matandaan ang ibang pangalan ng kanyang mga anak.

Read: Jeric Raval: "Kung maibabalik ko yung panahon, hindi na ako mag-aanak ng marami."

Apat sa mga supling ni Jeric ang artista, at si AJ Raval ang pinakapopular sa kanila.

Hindi nagsinungaling si Jeric nang sabihin niyang hindi siya kumportable sa pagpapaseksi na ginagawa ni AJ sa pelikula, kahit hindi totoo ang mga eksena.

Nang kumustahin ang relasyon niya kay Aljur Abrenica, ang boyfriend ni AJ, ikinuwento ni Jeric ang napag-usapan nila ng aktor.

Read: Jeric Raval, tanggap ang relasyon ng anak na si AJ Raval kay Aljur Abrenica

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tatlong bagay lang ang ipapakiusap ko sa yo [Aljur]. Una, ang anak ko, bata pa yan.

"Pangalawa, yung biyenan mo [Robin Padilla], kaibigan ko. Anong sasabihin ko sa biyenan mo kapag nagkita kami?

“Iayos mo muna yung sarili mo, iho. Wala naman akong problema sa inyo dahil buhay niyo yan, e.

"Pagdating sa buhay-pag-ibig ng anak ko, hindi ko na saklaw yon, e.

“Pangatlo, sabi ko sa kanya, 'Ang anak ko, gusto kong pakasalan mo. Kapag ayos ka na, wala ka nang problema, pakasalan mo yung anak ko.'”

Nang matapos ang interbyu ni Boy kay Jeric, tinanong namin ang action star sa naging sagot ni Aljur tungkol sa kundisyong hinihingi niya na pakasalan si AJ.

“Pumayag naman, pero hindi pa siya annulled,” sagot ni Jeric, na ang tinutukoy ay ang hindi pa napapawalang-bisang kasal ni Aljur sa estranged wife nitong si Kylie Padilla.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang patunay na senior citizen na siya, ipinakita ni Jeric Raval ang kanyang BIR ID kung saan nakasaad na isinilang siya noong 1961.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results