Halos apat na taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang pormal na anunsiyo ng Viva Films na si Matteo Guidicelli ang gaganap na Pedro Penduko sa pelikulang may pamagat na Penduko at planong ilahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Pero hindi naumpisahan ang proyekto dahil sa coronavirus pandemic.
Read: Matteo Guidicelli, sexiest Pedro Penduko?
Natapos na ang matagal na paghihintay ni Matteo dahil noong Lunes, Agosto 21, 2023, nagsimula na ang shooting niya para sa Penduko.
Kasali ang Penduko sa 49th Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre 25, 2023.
Read: Sharon-Alden, Dingdong-Marian starrers among first four official entries at MMFF 2023
Apektado ng bagong pelikula ni Matteo ang partisipasyon nito bilang regular co-host ng Unang Hirit, ang early morning program ng GMA-7. Bukod sa shooting ng Penduko, may taping siya para sa Black Rider, ang upcoming primetime series ng Kapuso Network.
Punung-puno na ang schedule ni Matteo mula September 2023 hanggang October 2023 dahil sa Unang Hirit, Black Rider, at Penduko.
Isinisingit pa niya ang kanyang endorsement activities.
Pero nagpapasalamat si Matteo dahil sa mga biyaya at "good problems" na natatanggap niya.
Pinaghandaabg mabuti ni Matteo ang pagganap niya sa karakter ni Pedro Penduko sa pamamagitan ng mga stunt training, kasama ang kanyang co-star na si Arron Villaflor.

Ang Penduko ang pinakamalaking proyekto ni Matteo bilang aktor.
Si Jason Paul Laxamana ang direktor ng pelikula. Kasama sa cast sina Albert Martinez, John Arcilla, Kylie Verzosa, Arron Villaflor, Andrea del Rosario, Candy Pangilinan, at Phoebe Walker.