PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasmien Kurdi, nag-offer maging kidney donor ng maysakit na ina

Ina ni Yasmien Kurdi, naghihintay pa rin ng kidney donor.
by Jojo Gabinete
Published Aug 25, 2023
yasmien kurdi fast talk
Yasmien Kurdi on mother Miriam Yuson's reaction when the Kapuso actress volunteered to be a kidney donor: “Hindi siya pumayag. Umiiyak siya. Ayaw niya ako ang mag-donate sa kanya ng kidney ko.”
PHOTO/S: GMA Network

Napatunayan ang dakilang pagmamahal ni Yasmien Kurdi sa nanay niyang si Miriam Yuson nang kusang ialok ng 34-year-old Kapuso actress ang sariling kidney organ.

Pero umiiyak na tumanggi ang kanyang ina.

Read: Yasmien Kurdi awaiting kidney donor for ailing mom

“Hindi siya pumayag. Umiiyak siya. Ayaw niya ako ang mag-donate sa kanya ng kidney ko,” sabi ni Yasmien sa eksklusibong pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files nitong Biyernes ng hapon, Agosto 25, 2023, bago siya sumalang sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda.

May chronic kidney disease ang ina ni Yasmien na kailangan nang sumailalim sa kidney transplant surgery, pero naghihintay pa sila ng donor dahil hindi nga pumayag si Miriam sa alok ng anak na ibigay ang sariling kidney organ nito.

Nursing student si Yasmien at hindi pa siya graduate, pero malaking tulong ang mga natutunan at kaalaman niya sa pag-aalaga sa kanyang ina.

Dalawang beses sa isang linggo ang dialysis treatment ng ina ni Yasmien habang hindi pa nangyayari ang kidney transplant surgery.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Yasmien ang kasama ni Miriam kapag pumupunta ito sa National Kidney Transplant and Institute (NKTI) para sa kanyang mga regular check-up.

Nakatira na rin si Miriam sa tahanan ni Yasmien sa Muntinlupa City, habang hindi pa ito nakakalipat sa bahay na binili ng kanyang anak sa naturang lugar din para malapit sila sa isa’t isa.

“Alam na niyang may sorpresa ako na bahay para sa kanya pero hindi pa niya nakikita," sabi ni Yasmien tungkol sa bahay na malapit sa tinitirhan nitong binili niya para sa kanyang ina.

Read: Yasmien Kurdi, isiniwalat ang sorpresa para sa kanyang ina

Inamin ni Yasmien na hindi siya demonstrative na anak. Pero kahapon, Agosto 24, sinabihan niya ng "I love you" ang ina.

Nang mapag-usapan ang anak niya niyang si Ayesha, na biktima ng cyberbullying sa school na pinapasukan, inilahad na ni Yasmien na naayos na ang problema.

Read: Yasmien Kurdi narrates how her daughter experienced cyberbullying

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Last year, vice-president sa klase si Ayesha pero na-impeach siya.

"Ang nag-impeach sa kanya, yung kaklase niyang nangbu-bully sa kanya at gumawa ng 'Ayesha Hate Club online.'

“Pero ngayon, class president na si Ayesha,” tuwang-tuwang kuwento ni Yasmien tungkol sa bagong achievement ng kanyang anak na tila namana ang katatagan ng kalooban niya dahil hindi basta nagpapaapekto sa nararanasang bullying.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi on mother Miriam Yuson's reaction when the Kapuso actress volunteered to be a kidney donor: “Hindi siya pumayag. Umiiyak siya. Ayaw niya ako ang mag-donate sa kanya ng kidney ko.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results