“Grabe siya,” reaksiyon ni Judy Ann Santos sa obserbasyon ng entertainment press tungkol sa natural at komportableng pag-arte ng kanyang anak na si Luna Agoncillo sa TV commercial ng bagong product endorsement nila.
"Grabe" ang salitang ginamit ni Judy Ann dahil napansin din niya ang natural acting ability ng bunsong anak nila ni Ryan Agoncillo.
Pitong taong gulang lamang si Luna, pero hindi maipagkakailang minana nito mula sa ina ang husay sa pag-arte.
Read: Luna Agoncillo so adorable as weather reporter; guess what she wants to be someday?
Kuweno ni Judy Ann, “Na-enjoy niya kasi yung production people. Kumbaga, familiar faces yung nakapaligid sa kanya.”
Naniniwala ang aktres na importante kay Luna na kilala nito ang mga taong nakakatrabaho para maging komportable ang bata sa pag-arteng gagawin.
Ipinakilala si Judy Ann bilang bagong celebrity endorser ng Alaska dahil sa kanyang kredibilidad hindi lamang bilang chef kundi pati na rin sa pagiging responsableng ina ng tahanan at si Luna ang kasama niya sa mga advertisement ng produkto.
Hindi pa naiisip ni Judy Ann ang gantimpalang bibilhin para sa sarili dahil sa bagong proyekto nila, pero tiniyak niyang may matatanggap na reward si Luna.
At sa kabila ng pagiging menor de edad ni Luna, binibigyan siya ni Judy Ann ng kalayaang pumili ng mga produktong nais niyang iendorso.
“I always have to ask her, 'Are you okay? Do you want to try it?' kapag hindi pa niya sinusubukan.
"Pero kung ginagamit naman niya talaga o ginagamit ko, tatanungin ko na lang, ‘Do you want to endorse it? Are you okay with it?’
“Even shooting schedules, kailangang idaan ko sa kanila," pagtukoy niya kanyang mga anak na sina Yohan, Luchom at Luna.
“Dapat alam nila yan, at least a month, ahead of the calendar day ng shoot nila.
“Ipapakita ko sa kanila yung story board. Gusto kong makita nila. Kailangan aware sila sa ginagawa nila.
“Walang ni-request [tungkol sa milk endorsement] dahil nakikita naman ni Luna sa pantry ko.
“In fairness sa clients, they would always ask kung ano ba ang mga hilig ng anak namin.
"Like si Luna, mahihilig yan sa maliliit na laruan. Let’s say a Toca Boca pack, yung laro sa iPad na parang dollhouse. Gusto lang niya ng ganoon.
“Ayaw lang namin i-instill sa kanila na bawat [endorsements], e, ganito. It could also be a quality time.
“We can watch a movie, take a trip, para meron silang ma-experience out of that job they did.
"Kasi ang materyal na bagay nawawala. Yung memories talaga yung ini-instill namin sa kanila na hindi talaga mapapalitan.
“Maikukuwento siya nang maikukuwento, ang sarap pag-usapan, so we invest sa memories,” kuwento ni Judy Ann tungkol sa paraan ng pagpapalaki nila ni Ryan sa kanilang tatlong anak.
Related Stories:
- Judy Ann Santos shows daughter Yohan Agoncillo the importance of commuting
- Sweet moments at Yohan Agoncillo's 18th birthday party
- Judy Ann Santos and daughter Luna visit Angelica Panganiban and her newborn daughter
- Siblings Luna, Lucho Agoncillo receive their first dose of COVID-19 vaccine