PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tiangco, Morales React to Enriquez' Passing

Mike Enriquez, bibigyang-pugay sa 'Fast Talk With Boy Abunda.'
by Jojo Gabinete
Published Aug 29, 2023
24 oras anchors
Hindi nakontrol ng '24 Oras' anchors na sina Vicky Morales (kaliwa) at Mel Tiangco (gitna) ang kanilang emosyon habang ibinabalita ang pagpanaw ng kanilang dating kasamahan na si Mike Enriquez ngayong araw, August 29, 2023. Katabi nina Vicky at Mel ang humalili kay Mike na si Emil Sumangil.
PHOTO/S: GMA Network

Malungkot ang kapaligiran sa studio ng 24 Oras at sa newsroom ng GMA Network Inc. dahil sa pagpanaw ng veteran broadcaster na si Mike Enriquez nitong Martes, August 29, 2023.

Read: Veteran broadcaster Mike Enriquez dies at 71

Nalaman ng mga empleyado ang balita bago umere ang 24 Oras kaya ramdam na ramdam sa loob ng studio ang pagluluksa ng lahat.

Isang eyewitness ang nakapansin na mugto na ang mga mata ni Mel Tiangco nang dumating ito sa studio.

Tuluyan nang bumigay ang kanyang emosyon nang kumpirmahin niya sa primetime news program ang balita tungkol sa pagkamatay ni Mike.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pambihirang pagkakataon, nasaksihan ng publiko sa live telecast ng 24 Oras ang mga hindi nakontrol na damdamin nina Vicky Morales at Mel, kasama si Emil Sumangil, na labis na ikinalungkot ang paglisan ni Mike.

Nauna nang lumabas sa social media ang balitang namatay na si Mike dahil nakipag-unahan sa paglalabas ng impormasyon ang mga taong hindi niya kamag-anak at scoop news ang turing sa pagkamatay ng isang nilalang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mike Enriquez's '24 Oras' family pays tribute to late news anchor

May ilang nagkamali sa kanilang ibinalitang binawian ng buhay sa edad na 72 ang respetadong broadcaster, na 71 years old pa lamang.

May mga nag-akalang fake news ang mga nabasa nila sa social media kaya hinintay nila ang kumpirmasyon mula sa 24 Oras.

Hindi kasama sa headline ng 24 Oras ang balita tungkol sa pagkamatay ni Mike dahil hiningi at hinintay muna ng management at production staff ang permiso ni Baby Enriquez, ang naulilang asawa ni Mike na higit may karapatang maglabas ng opisyal na pahayag at magkumpirma sa isang sensitibong isyu.

Minsan nang naging biktima si Mike ng death hoax at nangyari ito noong November 10, 2022.

Pinaniwalaan ng iba ang tsismis na pumanaw si Mike dahil nanggaling ang impormasyon mula sa mga kilalang personalidad.

Mismong si Mike ang sumagot noon sa mga tawag ng mga kaibigan niya sa kanyang cellphone para pabulaanan ang fake news.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I’m still alive!” ang paglilinaw ni Mike, na ikinatuwa ng kanyang mga nagmamalasakit na kaibigan.

Read: Mike Enriquez sa "fake news" na pumanaw na siya: “I’m alive!”

Hindi pa naglalabas ang pamilya ni Mike ng mga detalye tungkol sa pagbuburulan ng mga labi ng broadcaster.

Pero bukas, Miyerkules, Agosto 30, 2023, iuukol ng Fast Talk With Boy Abunda ang kabuuan ng programa sa pagbibigay-pugay sa pumanaw na broadcast journalist.

Dalawumpu't walong taong naging bahagi ng pamumuhay ng mga Pilipino si Mike buhat nang maging main anchor siya ng mga news program ng GMA-7 na Saksi (1995-2004) at 24 Oras (2004-2023).

Read: Revisit the memorable moments in Mike Enriquez's colorful broadcasting career

Video: Rommel Llanes (video producer).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nakontrol ng '24 Oras' anchors na sina Vicky Morales (kaliwa) at Mel Tiangco (gitna) ang kanilang emosyon habang ibinabalita ang pagpanaw ng kanilang dating kasamahan na si Mike Enriquez ngayong araw, August 29, 2023. Katabi nina Vicky at Mel ang humalili kay Mike na si Emil Sumangil.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results