PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Susan on Mike Enriquez: Misunderstood Couple

Magkamag-anak ba sina Susan Enriquez at Mike Enriquez?
by Jojo Gabinete
Published Aug 30, 2023
susan enriquez mike enriquez
Susan Enriquez on the late Mike Enriquez: “Madalas kaming napagkakamalan na mag-asawa. Idinadaan ko na lang sa ‘Ay, naku, kung asawa ko yan, hindi na ako magtatrabaho!’ Hanggang ngayon, napagkakamalan na mag-asawa kami. Marami nang beses na sinagot namin yan sa mga presscon, lagi talaga, ‘Kayo po ba ay mag-asawa?’"
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Network

Pumasok ang batikang reporter na si Susan Enriquez sa GMA Network noong 1989.

Taong 1995 naman nang maging empleyado ng GMA-7 si Mike Enriquez.

Marami ang nag-aakalang magkamag-anak sila.

Sa exclusive interview ng Cabinet Files ngayong Miyerkules ng hapon, August 20, 2023, muling nilinaw ni Susan na pareho lamang sila ng apelyido ng veteran broadcast journalist na pumanaw kahapon, August 29, sa edad na 71.

Read: Veteran broadcaster Mike Enriquez dies at 71

“Nauna ako sa kanya, nagsimula ako sa DZBB noong 1989.

"Tinanong niya yung Enriquez ko, sa husband ko yon, e. 'Di ano na lang, magkamag-anak tayo,'” kuwento ni Susan tungkol sa unang pagkakataon ng pagtatagpo nila ni Mike.

Aware daw si Susan na madalas napagkakamalang asawa niya si Mike.

“Madalas kaming napagkakamalang mag-asawa. Idinadaan ko na lang sa ‘Ay, naku, kung asawa ko yan, hindi na ako magtatrabaho!’

“Hanggang ngayon, napagkakamalang mag-asawa kami.

“Marami nang beses na sinagot namin yan sa mga presscon, lagi talaga, ‘Kayo po ba ay mag-asawa?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa radyo nga, ‘Asawa niyo po ba si Mike?’ [tanong ng radio listeners],” natatawang pagbabalik-tanaw ni Susan tungkol sa pagiging magkaapelyido nila ni Mike.

Ang tunay na asawa ni Mike ay si Lizabeth "Baby" Yumping. Wala silang anak.

Read: '24 Oras' pays tribute to Mike Enriquez's 54-year broadcasting career

Nang itanong namin ang mga alaala niya tungkol kay Mike, sabi ni Susan, "Fondest memories of him, sa trabaho, talagang buong-puso niya nasa pagtatrabaho. One hundred percent.

“Yung mga huling [memory] ko sa kanya, naka-wheelchair na siya, hindi na pumapasok, pumupunta pa siya sa bahay ko.”

Hindi pa naglalabas ng kumpletong detalye ang naulilang pamilya ni Mike tungkol sa pagdarausan ng burol ng kanyang mga labi, pero nakatakda ito sa Christ The King Church sa Greenmeadows, Quezon City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Susan Enriquez on the late Mike Enriquez: “Madalas kaming napagkakamalan na mag-asawa. Idinadaan ko na lang sa ‘Ay, naku, kung asawa ko yan, hindi na ako magtatrabaho!’ Hanggang ngayon, napagkakamalan na mag-asawa kami. Marami nang beses na sinagot namin yan sa mga presscon, lagi talaga, ‘Kayo po ba ay mag-asawa?’"
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results