PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bakit "Booma" ang tawag kay Mike Enriquez ng mga taga-newsroom?

Public viewing sa mga labi ni Mike Enriquez, nakatakda sa September 2.
by Jojo Gabinete
Published Aug 31, 2023
mike enriquez wake
Mabibigyan ng pagkakataon ang mga taong sumubaybay at tumangkilik kay Mike Enriquez dahil sa public viewing na nakatakda sa Christ The King Parish sa Greenmeadows, Quezon City, mula 8:30 ng umaga hanggang alas-tres ng hapon, sa Sabado, September 2, 2023.
PHOTO/S: GMA Network

Nag-umpisa noong 1995 ang serbisyo ng yumaong broadcaster na si Mike Enriquez sa GMA Network.

Bilang isang Kapuso, may mga nagtatanong kung ibuburol ang kanyang mga labi sa GMA-7 studio, tulad ng nangyari nang sumakabilang-buhay noong January 2016 ang TV host na si German "Kuya Germs" Moreno.

Read: GMA Network deeply mourns the death of German Moreno

Isang malapit na kaibigan ni Mike na nakausap ng Cabinet Files ang nagsabing hindi na dadalhin o ibuburol sa GMA Network ang mga labi ng 71-year-old broadcast journalist.

Hinihiling din na imbes mga bulaklak ang ipadala ng mga makikiramay, magbigay na lamang ng donasyon sa Kapuso Foundation na malapit sa puso ng namayapa.

Read: GMA Network pays tribute to veteran broadcaster Mike Enriquez

Binawian ng buhay si Mike sa St. Luke’s Medical Center Quezon City noong August 29, 2023 matapos ang matagal na pakikipaglaban sa kanyang karamdaman.

Read: Veteran broadcaster Mike Enriquez dies at 71

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"BOOMA": RADIO DJ TO TV NEWS ANCHOR

Nakilala si Mike bilang mahusay na broadcast journalist at news anchor na hindi nito pinangarap dahil, sa kanyang sariling mga salita, hindi pangtelebisyon ang hitsura niya.

“Itong mukha na 'to, hindi pang-TV ito. Tanggap ko yon. Sarili ko ngang nanay, hindi makapaniwalang sa TV ako, e,” walang pretensiyong pahayag ni Mike sa isang panayam sa kanya.

Read: Mike Enriquez's memorable TV moments

Sina Joey de Leon at ang former radio DJ na si Danee Samonte aka Steve O’Neal ang dalawa sa mga matalik na kaibigan at travel buddies ni Mike dahil pare-pareho silang mga dating radio DJ.

“Baby Michael” ang ginamit noon ni Mike na moniker dahil Baby ang pangalan ng kanyang girlfriend na naging asawa niya.

Nanggaling naman ang Michael mula sa kanyang tunay na pangalan na Miguel.

Pero sa newsroom, “Booma” ang tawag kay Mike ng mga kasamahan niya.

Isang kaibigan ni Mike ang nagkuwento sa Cabinet Files na "Booma" ang call sign na ginagamit niya sa kanilang radio communications.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Booma" ang bansag kay Mike dahil mataba siya noon. Inihalintulad siya kay Booma, ang elepanteng nilikha ng comic book cartoonist at novelist na si Mars Ravelo.

booma komiks character

Ayon sa kaibigan ni Mike, noong una ay nagagalit ito kapag tinatawag na Booma.

Pero nang tumagal, nakasanayan na niya at tuluyan nang tumatak sa kanya ang naturang palayaw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinangalanan din ni Mike ng Baby Booma ang pet dog nila noon ng kanyang asawa.

Read: Mike Enriquez admits asking himself, "Is it time to turn off the microphone?"

PUBLIC VIEWING

Kahit itinuturing na public property si Milke dahil sa mahigit limang dekadang paglilingkod nito bilang broadcast journalist, nananatiling pribado ang pamilya niya.

Hiningi muna ang pahintulot mula sa kanyang mga naulila para masilayan siya sa huling sandali ng publiko.

Read: Announcement ng pagpanaw ni Mike Enriquez, tinutukan ng publiko sa '24 Oras'

Mabibigyan ng pagkakataon ang mga taong sumubaybay at tumangkilik kay Mike bilang radio announcer, anchor ng 24 Oras, at host ng Imbestigador na makita siya dahil sa public viewing na nakatakda sa Sabado, September 2, 2023.

Pahihintulutan ang publiko na makapasok sa Christ The King Parish sa Greenmeadows, Quezon City, mula 8:30 ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Ihahatid naman si Mike sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park, Marikina City, sa Linggo, September 3, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mabibigyan ng pagkakataon ang mga taong sumubaybay at tumangkilik kay Mike Enriquez dahil sa public viewing na nakatakda sa Christ The King Parish sa Greenmeadows, Quezon City, mula 8:30 ng umaga hanggang alas-tres ng hapon, sa Sabado, September 2, 2023.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results