PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadine Lustre on Queen of Horror Title

Nadine, muling katrabaho si Direk Mikhail Red para sa bagong horror film.
by Jojo Gabinete
Published Sep 2, 2023
Nadine Lustre on Nokturno
Nadine Lustre, bibida sa bagong horror film ni Mikhail Red na may titulong Nokturno. Makakasama niya sina (right photo) Bea Binene, Eula Valdes, at JJ Quilantang. Makapasok kaya ito sa MMFF 2023?
PHOTO/S: Nadine Lustre Instagram / Facebook

Nanalo si Nadine Lustre na best actress sa Gabi ng Parangal ng 48th Metro Manila Film Festival noong December 27, 2022 para sa kanyang pagganap sa Deleter, ang pangalawang suspense-thriller movie project niya.

Ang Chain Mail na ipinalabas sa mga sinehan noong July 2015 ang unang horror movie na ginawa ni Nadine.

Ang Nokturno ang bagong pelikula niya na balak isali ng Studio Viva sa 49th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25, 2023.

Read: Nadine Lustre at Bea Binene, magsasama for the first time sa horror movie na 'Nokturno'

May fans na nais siyang bansagang "Queen of Horror Movies," dahil sa natanggap niyang parangal para sa mahusay na pag-arte sa Deleter.

Ang Deleter, na kumita ng PHP240 million, ang top-grosser sa 48th Metro Manila Film Festival.

Pero may paliwanag ang 29-year-old actress kung bakit hindi niya matatanggap ang naturang titulo.

"Parang hindi ko pa po make-claim yung Horror Queen title kasi meron akong ginawang isang pelikula, pero support lang po ako dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang bilis lang po ako, lumabas lang ako saglit sa ilang scenes," ang valid explanation ni Nadine.

Ang Chain Mail ang tinutukoy ni Nadine na pelikula na sandali lamang ang kanyang partisipasyon, pero ang mukha niya ang ginamit sa poster.

Binigyan din ng importansya sa billing ang pangalan ni Nadine sa mga publicity material ng Chain Mail dahil sa kanyang popularidad at tagumpay sa takilya ng Diary ng Panget.

Patuloy ni Nadine, "I don’t think I can claim it pero I’m really happy na naka-receive ako ng award sa performance ko sa Deleter."

Inspiradong-inspirado ang dalaga sa pagsisimula ng shooting ng Nokturno.

"Sobrang excited lang kasi ito po talaga yung klase ng project na gusto kong gawin ever since.

"Excited ako kung paano yung mangyayari sa shoot namin at kung papaano mag-a-unfold yung Nokturno.

"But there’s a bit of pressure just because si Direk [Mikhail Red] din ang katrabaho ko and last year, Deleter did so well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, every time someone approaches me na alam na meron kaming project, parang ang ano nila, 'Sobrang ganda ng Deleter. Excited kami para mapanood yung Nokturno for this year.'

"So, medyo may konting pressure but I’m very confident naman," ang pahayag ni Nadine tungkol sa pangatlong horror movie na pagbibidahan niya, kasama sina Bea Binene at Wilbert Ross.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre, bibida sa bagong horror film ni Mikhail Red na may titulong Nokturno. Makakasama niya sina (right photo) Bea Binene, Eula Valdes, at JJ Quilantang. Makapasok kaya ito sa MMFF 2023?
PHOTO/S: Nadine Lustre Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results