Ipinagmalaki ng child actor na si Raphael Landicho na siya lamang sa mga miyembro ng cast ng Voltes V: Legacy ang hindi umiyak sa huling araw ng taping ng kanilang prime-time series na magwawakas sa September 8, 2023.
Canned na ang series, na four years in the making, at nagsimulang umere noong May 8.
Read: Michael V on Voltes V: Legacy movie: "Napaka-EPIC nung fight...Napamura at napanganga ako."
Ikinuwento ni Raphael na nalungkot ito dahil sa magandang samahan nila ng co-stars niya na sina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Matt Lozano, at Ysabel Ortega.
Pero hindi raw siya nagpaapekto sa emosyon na nararamdaman.
"Malungkot kasi yung pinagsamahan namin, mami-miss ko silang lahat. Pero masaya rin naman po ako kasi yung reaksyon ng mga tao, napasaya namin sila. Naging proud po sila.
"Ayoko pong umiyak. Hindi po ako nagpapadala sa kanila kasi baka maramdaman ko po yung lungkot.
"Sa last day taping nga po, gustung-gusto na naming umuwi, ma-pack up pero nung na-pack up na po kami, hindi po din kami makaalis. Nagyayakapan po kami," lahad ni Raphael.
Read: Voltes V: Legacy–The Cinematic Experience lives up to hype as visual feast!
ON FRIENDSHIP WITH MICHAEL V
Itinuturing niyang paboritong eksena sa Voltes V: Legacy ang pagbuo niya sa octopus robot na si Octo-1, ang ika-anim na miyembro ng Voltes V team dahil naging magkaibigan sila ni Michael V, o kilala rin bilang Bitoy.
"Yung boses po ni Octo-1 is Kuya Bitoy. Kaya kapag nagkikita po kami like sa GMA Gala Night, ang tawagan po namin best friend.
"Kapag tinawag ko po siya na best friend, tumitingin siya agad. Alam niya na siya si Octo-1," ang sabi ni Raphael.
Tinatawag na "Little Jon" si Raphael ng mga bata na nakakasalamuha niya dahil sa pangalan ng kanyang karakter sa Voltes V: Legacy.
Mula nang matapos ang taping niya para sa prime-time program ng GMA-7 na malapit nang magpaalam, regular na ang pagpasok ni Raphael sa paaralan.
Diumano, gulat na gulat ang mga kapwa niya estudyante na nakakakita sa kanya.
"Gulat na gulat po sila nang pumasok ako sa classroom. Yung seat ko, nasa harap so yung pinto, kita ako ng ibang students from other sections.
"Kumakaway po sila, kinakawayan ko rin po. Mga tuwang-tuwa naman po sila,” ani Raphael.
Na-appreciate ni Raphael ang atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga estudyante sa eksuwelahan na pinapasukan dahil sa popularidad ng Voltes V: Legacy at ng karakter na ginagampanan niya.