PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessica Speaks on "Sapawan" Issue

"Buong-puso ko lang kinanta ang parte na ibinigay sa akin."
by Jojo Gabinete
Published Sep 3, 2023
Jessica Villarubin on Queendom sapawan issue
Jessica Villarubin on netizens accusing her of upstaging fellow Queendom members: "Bago po kami kumanta sa funeral ni Sir Mike ay pinaghandaan po namin yon. Buong-puso ko lang kinanta ang parte na ibinigay sa akin. Andun po kami para magbigay- pugay kay Sir Mike."
PHOTO/S: @jessicavillarubin Instagram / Rachelle Siazon

Nagbigay ng reaksyon si Jessica Villarubin tungkol sa trending video ng pagkanta niya ng "Lead Me Lord" sa GMA Night special tribute para kay Mike Enriquez na nangyari noong Biyernes, September 1, 2023 sa Christ The King Parish, Greenmeadows, Quezon City.

Read: Ai-Ai delas Alas, dinepensahan si Jessica Villarubin sa "sapawan" issue

Sinabi ni Jessica sa Cabinet Files ngayong Linggo, September 3, 2023, na nagulat siya nang malaman niya na trending ang pagkanta nila ng Queendom sa 1985 hit song ni Basil Valdez.

"Nung una, ay nabigla ako, bakit trending. Pero isang karangalan na nakapaghandog kami ng kanta para kay Sir Mike Enriquez sa huling pagkakataon," sagot ni Jessica nang itanong namin ang kanyang reaksyon tungkol sa kontrobersyal na viral video nila ng Queendom.

Ang Queendom ay ang all-female group na binubuo ng divas ng All-Out Sundays, ang GMA-7 musical variety show tuwing Linggo.

Ang mga miyembro na present sa burol ay sina Mariane Osabel, Thea Astley, Hannah Precillas, Julie Anne San Jose at Rita Daniela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginanap ang GMA Night sa sa pangalawang gabi ng lamay para sa pumanaw na broadcast journalist.

Diretsahan ding hiningan ng Cabinet Files ng reaksiyon si Jessica tungkol sa mga akusasyon na sinadya niya na bumirit sa pagkanta para masapawan ang kanyang mga kasama.

"Huwag po nating bigyan ng ibang kahulugan pa,” ang apela ni Jessica sa mga tao na hinuhusgahan siya.

Paliwanag pa niya, "Bago po kami kumanta sa funeral ni Sir Mike ay pinaghandaan po namin yon.

"Buong-puso ko lang kinanta ang parte na ibinigay sa akin. Andun po kami para magbigay- pugay kay Sir Mike."

Biktima si Jessica ng bashing dahil sa simpleng dahilan na ginalingan lamang niya ang pag-awit sa "Lead Me Lord."

Pero imbes na purihin ng mga mapanghusga na netizen, masasakit na salita ang ipinupukol sa kanya.

Related stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessica Villarubin on netizens accusing her of upstaging fellow Queendom members: "Bago po kami kumanta sa funeral ni Sir Mike ay pinaghandaan po namin yon. Buong-puso ko lang kinanta ang parte na ibinigay sa akin. Andun po kami para magbigay- pugay kay Sir Mike."
PHOTO/S: @jessicavillarubin Instagram / Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results