PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ion Perez, nagka-anxiety dahil sa icing incident sa 'It's Showtime'

'It's Showtime' supporters, pina-trend ang #TayoAng Showtime.
by Jojo Gabinete
Published Sep 5, 2023
ion perez vice ganda it's showtime
Ilang mga tao sa paligid nina Ion Perez at Vice Ganda ang nagsabing malaki ang naging epekto ng icing incident sa 'It's Showtime' sa mental health ni Ion.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Isa si Ion Perez sa mga nasa sentro ng cake icing controversy dahil sila ni Vice Ganda ang mga pangunahing karakter sa insidenteng nangyari sa "Isip Bata" segment ng It’s Showtime noong July 25, 2023.

Inireklamo ito ng ilang "concerned citizens" na dahilan para ipatawag at pagpaliwanagin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pamunuan ng programa.

Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment

Ang mga tao sa paligid ni Ion at ng kanyang karelasyong si Vice Ganda ang nagsabi sa Cabinet Files na malaki ang naging epekto ng pangyayari sa mental health ni Ion.

Nagkaroon umano ng anxiety ang Mr. Universe Tourism 2018.

Mabuting tao ang pagkakakilala ng marami kay Ion. Hindi ito sanay sa mga intriga at kontrobersiya.

Kaya naapektuhan siya ng insidenteng kinondena at binatikos nang husto ng detractors nila ni Vice, na nakaranas din ng anxiety ayon sa mga nakausap ng Cabinet Files.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito umano ang dahilan kaya nagbakasyon sila noong kainitan ng isyu.

Read: Vice Ganda, Ion Perez fly to undisclosed location amid issue with MTRCB: “Labing labing muna”

Muling nahaharap sa malaking pagsubok, hindi lamang sina Vice at Ion kundi ang lahat ng mga host at mga sangkot sa It’s Showtime dahil sa desisyon ng MTRCB na patawan ng labindalawang araw na suspensyon ang programa, bunga ng diumano’y sunud-sunod na reklamo laban sa noontime show na napapanood sa GTV, Kapamilya Channel, at A2Z.

Read: MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days

Hindi na malalaman ng publiko ang saloobin ni Ion tungkol sa isyung inasasangkutan ng kanilang programa dahil patuloy ang kanyang pananahimik, at hindi siya kagaya ni Vice na madalas nakakahanap ng paraan na sabihin ang mga nararamdaman.

Isang araw matapos ilabas ng MTRCB ang desisyon nito laban sa diumano’y mga paglabag ng It’s Showtime sa mga ipinatutupad na alintuntunin sa telebisyon, kumilos ang mga tagasuporta ng programa ngayong Martes, Setyembre 5, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gamit ang iba’t ibang plataporma ng social media, hinihikayat nilang suportahan ang It’s Showtime sa pamamagitan #TayoAngShowtime hashtag dahil, ayon sa kanila, "Kami, kayo, tayo" ang kontrobersyal na programa.

it's showtime

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang mga tao sa paligid nina Ion Perez at Vice Ganda ang nagsabing malaki ang naging epekto ng icing incident sa 'It's Showtime' sa mental health ni Ion.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results