Headline sa mga pahayagan at news program sa Amerika ang pagpanaw ni Malou Operio, ang 61-year-old Filipino-American na biktima ng pananakal.
Nangyari ang krimen sa mismong harap ng tahanan ni Operio sa Natchez Avenue, malapit sa Wilbur Wright College, Harwood Heights, sa Chicago, USA, bandang 6:30 a.m. noong August 30, 2023.
Read: Brazilian actor Jefferson Machado, natagpuang patay sa loob ng ibinaong wooden chest
Ayon sa mga ulat, sapilitang pinababa si Operio mula sa kanyang sasakyan ng 24-year-old homeless man na si Reese Miller.
Gumamit ng zip tie si Miller para sakalin ang biktima na paulit-ulit din niyang inihampas ang ulo sa sementadong kalsada.
Matapos ang brutal na pananakit, tinangay ni Miller ang sasakyan ng biktima.
Kritikal ang kundisyon at inilagay sa life-support system si Operia nang isugod siya sa ospital.
Pero binawian siya ng buhay noong Linggo, September 3, 2023.

Attempted first-degree murder at aggravated vehicular carjacking ang mga kasong isinampa laban kay Miller.
Pinagsisisihan daw ni Miller ang kanyang ginawa.
“I am deeply sorry for hurting people,” mensahe ni Miller na isinulat niya sa isang papel.
Pero ayon sa kanyang tagapagtanggol, may complex post-traumatic stress disorder ang suspek.
Read: Spanish chef Daniel Sancho Bronchalo confesses to partner's murder
WHO IS MALOU OPERIO?
Nagbigay ng karagdagang detalye sa Cabinet Files ang former GMA-7 at ABS-CBN employee na si Red Ginger Garcia, kasamang naninirahan ni Operio sa isang tahanan, tungkol sa krimeng nangyari.
Si Operio ay biyenan ng kapatid ni Red.

Ayon kay Red, kaagad nahuli si Miller ng mga miyembro ng Chicago Police.
“Mabilis na nahuli ang suspect, four hours after the crime was committed. Umamin siya sa kanyang ginawa,” sabi ni Red.
Nasa morgue pa ang mga labi ni Operio nang makipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Red.
Ibinahagi niyang hindi na iuuwi ng Pilipinas ang bangkay ng namayapa.
“Wala pang plans kasi nasa morgue pa siya. Usually dito sa U.S., isang araw lang ang viewing then cremation na.
“Hindi na siya iuuwi sa Pilipinas dahil nandito sa Chicago kaming lahat ng pamilya niya,” sabi ni Red.
Hindi raw makapaniwala si Red na wala na ang isang taong napakabuti at malapit sa kanya.
Lahad niya, “We call her 'Yaya' dahil ito ang nakalakihang tawag sa kanya ng one and only son niyang si Jumar, na husband ng Ate Qhuey ko.
"So, yun na rin ang nakasanayan naming tawag sa kanya.
“Sobrang bait at masayahin na tao si Yaya Malou. She's willing to extend help kahit walang kapalit.
"Siya ang backbone ng ate ko sa lahat ng bagay, salitan sila sa pag-aalaga ng only grandson niya.
"Sobrang mahal ni Yaya Malou ang nag-iisang apo niya.
“Maasikaso at maaasahan siya sa mga gawaing bahay. Parang tunay na nanay na rin ang turing ko sa kanya dahil mahilig siya na magbigay ng payo.
“Sobrang sakit lang kasi hindi kami handa sa pagkawala niya sa hindi magandang dahilan.”
Itinuturing ni Red na premonisyon ng pagyao ni Operio ang pagtulog nitong katabi ang naulilang apo.
“Siguro ang premonition ni Yaya Malou, nang tinabihan niya sa pagtulog ang kanyang apo na hindi naman niya dati ginagawa, the night bago mangyari ang insidente.
“Huli ko siyang nakausap noong Tuesday, August 29, dahil kapag dumarating ako sa bahay, palagi siyang nagtatanong kung kumain na ba ako at siya ang nag-iinit ng ulam para sa akin,” malungkot na kuwento ni Red, na nahihirapang tanggapin ang trahedyang nangyari sa kanilang pamilya.
Related Stories:
- What happened to the children of murdered domestic helper Delia Maga?
- Bangkay ng two-year-old boy sa Florida, USA natagpuan sa bunganga ng buwaya
- The sad plight of Flor Contemplacion's children after her execution in 1995
- Flor Contemplacion's daughter remembers executed domestic helper on her 28th death anniversary
- Lucila Lalu & Elsa Castillo: The Philippines' "Chop-chop Ladies"
- Adamson student John Matthew Salilig: the latest victim of hazing death
- Pugot na ulo at tadyang ni Hong Kong socialite Abby Choi, ginawang sopas
- Hong Kong socialite Abby Choi, 28, karumal-dumal na pinatay, kinatay
- Indian actress Tunisha Sharma dies by suicide; police arrests her co-star, ex-boyfriend Sheezan Khan