PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza, magpa-Pasko sa bagong bahay na ipinatayo niya

Barbie Forteza, natupad na ang pangarap bigyan ng sariling bahay ang mga magulang.
by Jojo Gabinete
Published Sep 6, 2023
barbie forteza fast talk
Natupad na ang pangarap ng Kapuso actress na si Barbie Forteza na makapagpatayo ng sariling bahay. Sa katunayan, tiniyak ni Barbie na ipagdiriwang nila ng kanyang pamilya ang darating na Pasko sa kanilang bagong bahay.
PHOTO/S: GMA Network

Tiniyak ni Barbie Forteza na ipagdiriwang nila ng kanyang pamilya ang darating na Pasko sa bagong bahay na ipinatayo niya sa isang subdivision sa Quezon City.

Read: Barbie Forteza updates on progress of dream home under construction

“Excited na ako,” sabi ni Barbie sa kuwentuhan nila ng Cabinet Files sa studio ng Fast Talk With Boy Abunda sa GMA Network nitong Martes ng hapon, September 5, 2023.

Sinabi ni Barbie na siya ang personal na pumipili ng mga furniture para sa kanilang bagong tahanan, na isa lamang sa maraming bunga ng kanyang mga pagsisikap mula nang mag-umpisa ang acting career niya noong 2009.

Dati-rati, madalas na kasama ni Barbie sa mga showbiz commitment niya ang kanyang mga magulang na sina Tony at Imelda.

Sa guesting ni Barbie sa Fast Talk With Boy Abunda, tanging ang tatay niya ang aming nakita.

Ang sabi ni Tony, siya na lamang ang sumasama sa mga lakad ni Barbie at naiiwan sa bahay ang kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang mabuti at mapagmahal na anak si Barbie dahil ginagawa nito ang lahat para sa mga magulang niya na hindi rin siya pinababayaan at buong-buo ang suporta sa kanya.

Hindi maramot na anak si Barbie kaya nagbubunga ng magaganda ang lahat ng mga ginagawa niya para sa kanyang ama at ina.

Masaya ang tatay ni Barbie dahil natupad ang pangarap ng anak niyang makapagpatayo ng sariling bahay.

Isang condominium unit ang unang naipundar ni Barbie noong nagsisimula pa lamang ito na artista. Pero ibinenta nila ito nang lumipat sila sa mas malaking bahay sa Commonwealth Avenue area na kanilang nirentahan sa loob ng siyam na taon.

Nagtatrabaho noon ang tatay ni Barbie bilang company driver. Pero nang magkasunud-sunod ang mga project ng kanyang anak sa Kapuso Network, napilitan siyang magbitiw sa dating tungkulin.

Kuwento ni Barbie sa Fast Talk With Boy Abunda, “Thankfully, na-bless po ako ng maraming tapings so hindi na po nakapag-work si Daddy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dati po kasi, company driver siya.

“Wala rin kaming sasakyan noon, so magre-rent kami ng kotse kapag may tapings.

"Sabi namin, 'Bakit hindi na lang ako ipag-drive ni Daddy?' Mag-ipon na lang ako ng para sa sasakyan tapos si Daddy na lang ang mag-drive para sa akin."

Nag-guest muli si Barbie sa Fast Talk With Boy Abunda para sa promo ng Maging Sino Ka Man, ang special limited series na pinangungunahan nila ni David Licauco na mapapanood simula sa September 11, 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natupad na ang pangarap ng Kapuso actress na si Barbie Forteza na makapagpatayo ng sariling bahay. Sa katunayan, tiniyak ni Barbie na ipagdiriwang nila ng kanyang pamilya ang darating na Pasko sa kanilang bagong bahay.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results