Magdiriwang si Janno Gibbs ng kaarawan sa September 16, 2023.
Pero mapapaaga ang birthday treat niya para sa kanyang mga tagasuporta dahil sa tatlong magkakasunod na linggong show niya sa Viva Café na magsisimula ngayong Huwebes ng gabi, September 7.
Ang dalawa pang schedule ng performance ay sa September 14 at 21.
Read: Janno Gibbs on “laos” tag: “Nahe-hurt din pero tanggap ko naman.”
Maituturing na beterano si Janno sa pagkanta dahil nag-umpisa ang kanyang singing at acting career noong 1986, pero matinding kaba ang nararamdaman niya sa muling pagtatanghal sa harap ng live audience.
“Matagal na akong hindi nag-perform ng full show. May mga private singing engagement ako recently but a few songs lang and small crowd.
"So, I’m nervous and excited for tonight," rebelasyon ni Janno nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Huwebes ng hapon.
Dagdag niya, “Of course, I will sing my hits but I’ve added a few new songs. There will be no special guest for tonight.
“I just want people to enjoy good music with my own style.”
Nnag-ensayong mabuti si Janno para sa kanyang limited pero espesyal na singing engagement sa Viva Café.
Hindi lamang ang pagkanta at pag-arte ang pinagkakaabalahan ni Janno dahil direktor na rin siya ng pelikula, ang Itutumba Ka ng Tatay Ko na pinagbibidahan nila ng child actress na si Xia Vigor.
Read: Janno Gibbs, sikreto pa ang mga detalye ng directorial debut

Janno Gibbs and Xia Vigor
Nakatakda sa November 2023 ang theatrical release ng Itutumba Ka ng Tatay Ko, pero nangako si Janno na ipasisilip sa mga manonood ng kanyang concert sa Viva Café ang mga eksena ng debut movie niya bilang direktor.
“I will show a teaser of my directorial debut onscreen tonight,” sabi ni Janno.
Si Xia ang gumaganap na anak ni Janno sa Itutumba Ka ng Tatay Ko.
Comeback movie ito ni Xia dahil ang 2019 Philippine adaptation ng Miracle In Cell No. 7 ang kanyang huling proyekto na ipinalabas sa mga sinehan.
Read: Xia Vigor to join Aga Muhlach in Pinoy edition of Miracle in Cell No. 7
Matagal hindi nakita ng publiko si Xia dahil sa coronavirus pandemic. Marami ang nagulat sa kanyang pagbabalik ngayong 2023 dahil dalagang-dalaga na ang hitsura niya sa edad na 14.