Ngayong Biyernes, September 8, 2023, ang huling gabi sa GMA-7 ng Philippine live-action TV adaptation ng Japanese animé series na Voltes V: Legacy.
Kaugnay nito, magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ni Miguel Tanfelix, ang gumanap na Steve Armstrong sa Kapuso primetime series.
Read: Miguel Tanfelix: "Dati feeling ko hindi ko deserve na ipasa sa akin ang mikropono."
Excited si Miguel dahil mapapanood ng televiewers ang kabuuan ng mga pinaghirapan nila ng kanyang mga co-star at ng production staff.
Pero malungkot siya dahil sa malalim na pagkakaibigan na nabuo sa taping ng Voltes V: Legacy.
“Excited ako na matatapos na yung show. Excited ako na makikita nila yung bigger picture ng pinaghirapan namin ng four years.
“At the same time, medyo nakakalungkot din dahil parang, 'Yun na agad yon after ng apat na taon?'
"Apat na buwan lang siyang ipapalabas so medyo mami-miss ko rin na i-binge-watch yung project sa YouTube.
“Pero grateful pa rin naman ako na nangyari yung Voltes V: Legacy sa buhay ko,” pahayag ni Miguel sa farewell digital mediacon ng primetime program ng Kapuso Network na magpapaalam ngayong gabi sa telebisyon.
Read: Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega recall their unforgettable scenes in Voltes V: Legacy
September 21, 1998 nang isilang si Miguel.
May 5, 1978 nang unang ipalabas sa GMA-7 ang Voltes V anime series na naka-dub sa Tagalog.
Walang kamalay-malay si Miguel na makalipas ang dalawang dekada mula nang isilang siya at mahigit apat na dekada mula nang mapanood sa GMA-7 ang Voltes V, magkakaroon siya ng malaki at mahalagang partisipasyon sa live-action adaptation ng nabanggit na animé program.
Pero may mabilis na sagot si Miguel nang tanungin tungkol sa kanyang mararamdaman, dalawampung taon matapos na magbida siya sa Voltes V: Legacy.
Saad niya, “It’s a privilege na naging parte ako ng malaking project na to. Wala akong ibang word na masasabi kung gaano ako ka-proud na maging part ng show na to.
“Siguro after twenty years, isa ito sa mga ikukuwento ko sa apo ko na nag-play ako ng isang animé character, live action.
“Yun ang masaya para sa akin. Yung adventures na nangyari during the taping at kung ano ang mga na-achieve ng show, especially nung nagpunta kami sa Comic-Con to represent the Philippines.
"Very nakaka-proud siya para sa akin."
Kabilang si Miguel sa kinatawan ng Voltes V: Legacy na dumalo sa Comic-Con 2023 na nangyari sa San Diego, California, noong July 2023.
Read: Ysabel Ortega ranks San Diego Comic-Con visit most memorable part of Voltes V: Legacy stint