Nadagdagan ang mga karakter na sangkot sa isyu ng MTRCB at ang 12-day suspension na ipinataw nito sa It’s Showtime.
Read: MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days
Una nang nadamay sa ikinilos ng Movie and Television Review and Classification Board ang E.A.T. dahil ang MTRCB chair ay si Lala Sotto-Antonio, anak ng E.A.T. host na si Tito Sotto.
Ang E.A.T. at It's Showtime ay magkatunggaling programa sa noontime slot.
Ngayon ay nakisali na rin ang ilang taong nagpakilala bilang mga miyembro ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI), isang grupong wala sa kamalayan ng publiko bago nito.
Nagsampa ang grupo ng kasong kriminal laban kay Vice Ganda at ang partner nitong si Ion Perez, na bahagi ng Kapamilya noontime show.
Isang Atty. Leo Olarte, kinatawan ng KSMBPI, kasama ang ilang miyembro ng organisasyon, ang nagsadya sa Quezon City Prosecutor’s Office kahapon, Lunes, Setyembre 11, 2023, para maghain ng reklamo laban sa dalawang hosts ng It's Showtime.
Paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code—na may kinalaman sa Section 6 ng Article 201 at sa Republic Act No.10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012, ang inihaing kaso laban kina Vice at Ion.
Ang reklamo ng KSMBPI ay may kaugnayan pa rin sa cake-icing incident na nangyari sa It's Showtime noong July 25, 2023.
Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment

THE COMPLAINT AGAINST VICE AND ION
Sa isang prefatory statement, sinabi ni Olarte (published as is): “Nowadays, there have been countless proliferation of immoral, indecent, lewd, and vulgar shows, clips, TikTok, Vlogs etc. that are being streamed on social media and sometimes in the traditional media.
“The worst part of it all is that these are unregulated and are accessible by any person including the youth, children, and even minors who are tech-savvy on various social media platforms. Just by the click of a finger, all these malevolent presentations are made easily available even on mere cellphones already.”
Lumalabas na bahagi ng suporta sa MTRCB ang reklamo ng KSMBPI.
Noong Agosto 24, 2023, nakakuha pa ang grupo ng "special meeting" kay MTRCB Chairperson Sotto tungkol sa paglaganap ng diumano’y immoral content sa noontime television shows.
Ipinagkaloob ng KSMBPI sa MTRCB ang kanilang suporta para raw sa public awareness at makatulong daw sa pag-aksiyon sa pinaniniwalaan nilang “moral decay” sa entertainment industry.
Sa August 29 Facebook post ng SPIN Media, official affiliate ng KSMBPI, ibinahagi ang ilang larawang kuha sa pulong ng KSMBPI kay Chairperson Lala Sotto sa mismong tanggapan ng MTRCB.
Caption ng grupo rito: "Signing of the Memorandum of Agreement between SPIN MEDIA and the Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. at the National Office of MTRCB last August 24, 2023 followed by a special meeting with MTRCB Chairperson Lala Sotto discussing the proliferation of immoral contents in some of the noontime TV shows and how we can support MTRCB in raising the public awareness and action to address moral decay in the entertainment industry. SPIN MEDIA now is an official affiliate of KSMBPI."
Samantala, nagsisimulang magkaroon ng agam-agam ang publiko sa active role ni Lala Sotto sa isyu nina Vice at Ion. Conflict of interest ang inuungkat na isyu.
Bagamat nasa posisyong mangialam si Lala sa mga kaganapan sa telebisyon, malinaw ding hindi maaaring balewalain ng MTRCB chairperson ang mahigpit niyang koneksyon sa ama.
May mga nagpapahiwatig na idinidikta ng delikadeza na alisin nito ang sarili sa isyu ng It's Showtime.
Read: What PEP.ph thinks of It's Showtime being slapped with a violation by MTRCB; what about E.A.T?