PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Amo na "nanakit" sa nabulag na kasambahay, dinitena sa Senado

Sen. Jinggoy Estrada: "Nakapanlulumo po talaga ang sinapit ni Aling Elvie..."
by Jojo Gabinete
Published Sep 19, 2023
France Garcia Ruiz maltreatment case in Senate
Employer na si France Gracia Ruiz, inireklamo ng dating kasambahay na si Elvie Vergara, na nabulag dahil sa pananakit sa kanya ng amo. Ongoing ang imbestigasyon sa Senado tungkol sa kaso na ito.

Ang inconsistent statements ni France Gracia Ruiz sa pagdinig ng Committee on Justice and Human Rights ang dahilan kaya nakapiit siya sa kasalukuyan sa detention facility ng Senado.

Si Ruiz ay mula sa Mamburao, Occidental Mindoro. Siya ang dating amo ng kasambahay na si Elvie Vergara.

Nabulag at nasira ang mukha ni Vergara dahil sa pagmamaltrato ni Ruiz. Tinatalakay sa Senado ang reklamo ni Vergara laban kay Ruiz.

Si Senator Jinggoy Estrada ang naghain ng mosyon na patawan ng contempt citation si Ruiz nitong Martes, September 19, 2023—o ikatlong araw ng pagdinig ukol sa isyu nina Ruiz at Vergara.

Ang mosyon ni Jinggoy: "Our resource person, Mrs. France, have been giving a lot of inconsistent answers to questions.

"Coming from me, and I believe that this woman, Mrs.France Ruiz is the mastermind of everything—maltreating, inflicting severe injuries leading to total blindness of Aling Elvie.

"Therefore, I move that we cite this woman, Mrs. France Garcia-Ruiz in contempt."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaboran ni Senator Ronald Dela Rosa ang mosyon ni Jinggoy.

Nilagdaan ni Senator Francis Tolentino, chair ng Committee on Justice and Human Rights sa Senado, ang commitment order para ipiit si Ruiz sa detention facility ng Senado.

Bukod sa detention, sasailalim si Ruiz sa polygraph o lie detector test at medical examination.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT HAPPENED?

Namasukan si Vergara sa pamilya ni Ruiz mula 2020 hanggang 2023.

Sa loob ng panahong ito, naranasan umano ni Vergara ang pisikal, mental at emosyonal na pananakit sa kanya, na naging dahilan para mabulag siya.

Mariing pinabulaanan ito ng dating amo niya na si Ruiz.

Isa si Estrada sa masugid na sumusubaybay at nag-iimbestiga sa kaso ni Vergara.

Sa kanyang Instagram post ngayong Martes, inilabas ni Estrada ang saloobin tungkol sa malungkot na sinapit ng kawaawang kasambahay.

"Nakapanlulumo po talaga ang sinapit ni Aling Elvie sa kamay ng kanyang mga sadistang employers.

"At nakagagalit na sinangkalan nila ang mga inosente nilang mga tauhan- kung totoo man ang salaysay ng mga tetestigo para kay Elvie- para lamang mapagtakpan ang kanilang kalupitan.

"Nawa’y ang ating ginagawang mga pagdinig ay magbigay-daan upang makamtan ni Aling Elvie ang hustisya, maparusahan ang mga may kasalanan at makapag-akda tayo ng mas malawak na polisiya na tutugon sa pangangailangan ng ating mga kasambahay."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Employer na si France Gracia Ruiz, inireklamo ng dating kasambahay na si Elvie Vergara, na nabulag dahil sa pananakit sa kanya ng amo. Ongoing ang imbestigasyon sa Senado tungkol sa kaso na ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results