Sa pambihirang pagkakataon, dalawang pelikulang parehong may kinalaman ang Viva Films ang magkasabay na nagdaos ng red-carpet premiere nitong Martes ng gabi, September 19, 2023, sa SM Megamall Cinema — ang Video City at ang The Expend4bles.
Ang Video City ang pelikulang pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Yassi Pressman. Joint venture ito n g Viva Films at GMA Pictures.
Read: Ruru Madrid at Yassi Pressman, reunited sa pelikulang 'Video City'
Ang Viva International Pictures naman ang distributor sa Pilipinas ng The Expend4bles, ang American action movie na pinangungunahan nina Sylvester Stallone, Jason Statham, Dolph Lundgren, at Megan Fox.
Magkasabay na magbubukas sa mga sinehan ang Video City at The Expend4bles ngayong Miyerkules, September 20, 2023.
Sinuportahan ng mga contract star ng Viva Artists Agency at Sparkle Artists Center ng GMA-7 ang red carpet premiere ng Video City.
Dumalo ang girlfriend ni Ruru na si Bianca Umali; ang Kapuso stars na sina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Jon Lucas, Angel Guardian, at Kokoy de Santos; at magkasintahang sina Jerald Napoles at Kim Molina.
View this post on Instagram
View this post on Instagram
View this post on Instagram
View this post on Instagram
Ang mga action star namang sina Cesar Montano, Jorge Estregan, at Senator Robin Padilla ang mga sumuporta sa special screening ng The Expend4bles.
View this post on Instagram
View this post on Instagram
Tungkol sa isang aspiring director na nag-time travel ang kuwento ng Video City.
Si Ruru ang gumanap na aspiring director mula sa 2023, at si Yassi ang Video City salesclerk na nangangarap maging aktres sa panahon ng 1995.
Ilang beses binanggit ang pangalan ni Robin Padilla sa Video City dahil bukod sa pinag-usapan ng mga karakter na ginampanan nina Yassi at Ruru ang Maging Sino Ka Man, ipinakita rin ang ilang mga eksena mula sa blockbuster movie ng actor-turned-senator at ni Sharon Cuneta noong 1991.
At dahil paulit-ulit ang pagbanggit sa Maging Sino Ka Man sa mga eksena ng Video City, parang nagsilbi na ring promo ito ng TV adaptation ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at David Licauco.
Para higit na maunawaan ang Video City, importanteng umpisahan ito ng manonood para masubaybayan nila ang daloy ng kuwento at maiwasan ang pagkalito.
Co-stars nina Yassi at Ruru sa Video City sina Dennis Padilla, Suzette Ranillo, Chad Kinis, TJ Valderrama, at Soliman Cruz.
View this post on Instagram
May cameo appearances din ang mga direktor na sina Gino Santos, Roman Perez, Jr., Emmanuel dela Cruz, at maging si Raynier Brizuela, ang direktor ng pelikula.