PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NAIA Screener Swallows $300 and Self-Respect

Female security screener ng NAIA, matunton kaya ng netizens?
by Jojo Gabinete
Published Sep 21, 2023
naia screener
“We ask the airport security office to properly vet applicants and reinterview existing employees to determine their qualifications and evaluate their performance,” panawagan ni Senator Grace Poe matapos ng insidenteng mainit ngayong pinag-uusapan. Kakaiba kasi: Nilunok ng female security screener ng NAIA ang ninakaw nitong $300!
PHOTO/S: CCTV footage

Parang hindi nauubusan ng gimik ang mga kawatan sa airport.

Ito ang reaksiyon ni Senator Grace Poe tungkol sa female security screener ng Ninoy Aquino International Airport na inaakusahang nagnakaw ng US$300 dollars mula sa isang Chinese passenger.

Nakunan ang female security screener ng surveillance camera na nilulunok ang pera sa insidenteng nangyari noong September 8, 2023.

Read: NAIA screening officer caught stuffing $300 inside mouth

Ngayong Huwebes, September 21, 2023, sinabi ni Poe na umaasa itong matutunton agad ng awtoridad ang mga sangkot sa nakakahiyang klase ng pagnanakaw.

“We ask the airport security office to properly vet applicants and reinterview existing employees to determine their qualifications and evaluate their performance,” panawagan ni Poe tungkol sa insidenteng mainit na pinag-uusapan.

Bago naman talaga itong lumunok ng
nakaw na three hundred dollars!

Noong September 15, 2023, headline sa international news ang pagnanakaw ng dalawang Transportation Security Administration officers sa Miami International Airport na nangyari noong July 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaresto ang mga suspek, na mariing itinanggi ang bintang sa kanila, pero kitang-kita sa malinaw na surveillance video na inilabas ng mga kinauukulan ang pasimpleng pagbubukas at pagnanakaw nila mula sa mga bagahe ng mga pasahero. Sinampahan sila ng kasong grand theft.

Pero hindi mahihigitan o walang binatbat ang kaso ng dalawang TSA officers sa ginawa ng female security screener ng NAIA na hindi lamang $300 ang literal na nilunok dahil nilunok din niya ang kahihiyan at ang nalalabing respeto sa sarili.

Bilang proteksiyon sa suspek, tinakpan ang kanyang mukha sa inilabas na surveillance video. Hindi rin binanggit ang pangalan ng suspek na tiyak na panandalian lamang na magiging anonymous dahil gumagawa na ng sariling imbestigasyon ang nanggagalaiti sa galit na Pinoy netizens.

Sooner or later, tiyak na malalaman ng publiko ang katauhan at pangalan ng three-hundred-dollar thief dahil sa husay ng netizens sa ganyan at dahil sa bilis nilang umaksyon na matindi pa sa mga tunay na imbestigador kung mag-usisa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ipinag-utos ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa Office of Transportation Security na sampahan ng kaso at patawan ng maximum penalty ang female airport security screener.

Sinabi ni Bautista kay Undersecretary for Legal Affairs Attorney Reinier Yebra na tumulong ito sa paghahain ng reklamo laban sa mga sangkot sa nakawan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“We ask the airport security office to properly vet applicants and reinterview existing employees to determine their qualifications and evaluate their performance,” panawagan ni Senator Grace Poe matapos ng insidenteng mainit ngayong pinag-uusapan. Kakaiba kasi: Nilunok ng female security screener ng NAIA ang ninakaw nitong $300!
PHOTO/S: CCTV footage
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results