PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Albie Casiño, pinagtataka ang reaksyon sa kanyang pagkanta

Albie Casiño, tatanggap pa rin ng singing engagement basta may bayad.
by Jojo Gabinete
Published Sep 22, 2023
albie casino singing
Albie Casiño: “Nag-e-enjoy kami lahat sa show. Yung mga nasa bahay ang nagalit. Hindi ko sila ma-gets kung bakit nagagalit. Ang daming problema sa mundo, bakit nila pinoproblema yung ginawa ko? Nag-e-enjoy lang kami. Hindi naman ako singer. Hindi ako kinuha dahil magaling akong kumanta."
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

“Siyempre, basta may bayad.”

Ito ang diretsahang sagot ni Albie Casiño nang itanong namin kung tatanggap pa siya ng singing engagements sa kabila ng mga batikos at pagpuna sa pagtatanghal na ginawa niya sa coronation night ng Mutya ng Cotabato noong Agosto 25, 2023.

Read: Albie Casiño's performance at Mutya ng Cotabato 2023 goes viral

Hanggang ngayon, ipinagtataka ni Albie ang iba’t ibang reaksiyon ng publiko sa kanyang viral video, pati na ang akusasyong, diumano, lasing siya habang kumakanta.

“Hindi ko talaga ma-gets kung bakit naging isyu yon,” nagtatakang pahayag ni Albie sa Cabinet Files.

Ikinuwento ni Albie ang mga pangyayari sa likod ng viral video niya.

Lahad niya, “When I agreed to do that show, it was one song only. And when I got there, bigla nila akong tinanong, ‘Okay ka lang ba na mag-two songs?’

“Wala naman akong choice, and then nag-rehearse kami.

"Sinabi nila na sa second song, bumaba ako sa stage. So, yun ang nag-viral, yung second song. Yung bumaba ako sa crowd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-e-enjoy kami lahat sa show. Yung mga nasa bahay ang nagalit. Hindi ko sila ma-gets kung bakit nagagalit.

“Ang daming problema sa mundo, bakit nila pinoproblema yung ginawa ko? Nag-e-enjoy lang kami.

“Hindi naman ako singer. Hindi ako kinuha dahil magaling akong kumanta.

"I went there, I had fun, I wanted to give them a show na kaya kong ibigay.

"Hindi naman talaga ako singer,” litanya ni Albie tungkol sa isang ordinaryong pangyayari na pinalaki ng mga taong binigyan ng iba’t ibang kahulugan ang klase ng pagkanta na ipinakita niya.

Read: Albie Casiño, hindi umano lasing nang kumanta sa Mutya ng Cotabato 2023

BIGGEST CRITIC

Pero hindi naging hadlang ang insidente para panghinaan si Albie ng loob dahil desidido itong pagbutihin ang kanyang propesyon na puwedeng panghabambuhay, kahit may mga agam-agam siya.

“I would love to but, at the same time, especially now that I’m getting older, I’m taking stability talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Puwedeng panghabambuhay ang acting career. Pero ang problema kasi sa industriyang ito, hindi consistent.

“I can be booked for three years straight every day, wala akong pahinga, and the next thing you know, the next five years, wala akong tapings.

“It so hard kasi we’re in the industry where, to other people, it doesn’t matter how hard I work.

"No matter how good I am, if people don’t cast me, I have no chance to show my talent.”

Ang Best Performance by an Actor award na napapanalunan niya sa Gawad Tanglaw 2017, para sa pagganap niya sa "Picture" episode ng Maalala Mo Kaya, ang isa sa mga inspirasyon ni Albie kaya pinagbubuti nito ang pag-arte kahit hindi siya nagagalingan sa sarili.

Saad ni Albie, “Parang validated na ako as an actor kasi I’m the biggest critic of myself.

“Hindi naman ako nagagalingan sa sarili ko. Kapag nasa set, pinapanood ko palagi yung playback para makita ko yung mga ginagawa ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“After that, kapag ipapalabas na sa TV or premiere night, ayokong panoorin.

“Hindi ko kaya kasi kapag hindi ko nagustuhan yung nakita ko, wala na akong magagawa.

“Pero sa playback, puwede pa akong humingi ng ‘Direk, ayoko yan. Isang take pa tayo, please.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albie Casiño: “Nag-e-enjoy kami lahat sa show. Yung mga nasa bahay ang nagalit. Hindi ko sila ma-gets kung bakit nagagalit. Ang daming problema sa mundo, bakit nila pinoproblema yung ginawa ko? Nag-e-enjoy lang kami. Hindi naman ako singer. Hindi ako kinuha dahil magaling akong kumanta."
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results