PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chef/content creator Ninong Ry, artista na

Ninong Ry, bida sa 'Mukbang' episode ng Shake, Rattle and Roll Extreme
by Jojo Gabinete
Published Sep 24, 2023
Ninong Ry
Ninong Ry, handa nang sumabak sa showbiz via the 'Mukbang' episode of the 2023 edition of the iconic horror anthology titled Shake, Rattle and Roll Extreme.
PHOTO/S: Ninong Ry Instagram

Artista na rin si Ryan Morales Reyes na mas kilala sa kanyang online moniker na Ninong Ry dahil kasama siya sa cast ng Shake, Rattle & Roll Extreme, ang bagong horror anthology movie ng Regal Entertainment Inc.

Isa si Ninong Ry sa mga content creator na nakilala noong panahon ng pandemya dahil sa kanyang mga cooking video na may mga agaw-pansin na pamagat kaya meron na siyang 6.7 million followers sa Facebook at 2.02 million subscribers sa YouTube.

Ang popularidad at ang talento ni Ninong Ry sa pagluluto ng iba’t ibang klase ng putahe ang ilan sa mga dahilan kaya napansin siya ni Regal Entertainment President Roselle Monteverde.

Si Roselle ang may idea na isama si Ninong Ry sa 'Mukbang,' ang isa sa tatlong episode ng Shake, Rattle & Roll.

Isang chef si Ninong Ry sa tunay na buhay kaya tailor-made ang karakter na ginampanan niya sa 'Mukbang.'

Diumano, tuwang-tuwa si Ninong Ry nang matanggap nito ang alok na magkaroon siya ng partisipasyon sa Shake, Rattle & Roll Extreme dahil ito ang kauna-unahang movie at acting project niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang mga artista na kasama sa tatlong episodes ng Shake, Rattle & Roll Extreme at may plano ang Regal Entertainment Inc. na magkaroon ng cast reveal media conference.

Official entry sa 10th Metro Manila Film Festival noong December 25, 1984 ang unang Shake, Rattle & Roll na may tagline na 'Scream to Death,' at nagbigay ng Best Actor award kay Herbert Bautista, ang bida sa 'Mananaggal' episode.

Mula noong 1984, naging bahagi ng Metro Manila Film Festival ang Shake, Rattle & Roll series, kaya may mga nagtatanong kung may plano ang Regal Entertainment Inc. na isali sa 49th edition ng annual filmfest ang Shake, Rattle & Roll Extreme.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang Regal Entertainment Inc. sa balak nila tungkol sa Shake, Rattle & Roll Extreme pero marami ang umaasa, lalo na ang fans ng Shake, Rattle & Roll franchise, na isasali ang bagong version dahil para sa kanila, hindi kumpleto ang Metro Manila Film Festival kung wala ang nabanggit na pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ninong Ry, handa nang sumabak sa showbiz via the 'Mukbang' episode of the 2023 edition of the iconic horror anthology titled Shake, Rattle and Roll Extreme.
PHOTO/S: Ninong Ry Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results