PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atasha Muhlach Receives Praise as E.A.T. Dabarkads

Atasha, lubos ang pasasalamat sa kanyang bagong 'pamilya'
by Jojo Gabinete
Published Sep 24, 2023
Atasha Muhlach
E.A.T. Dabarkads
Atasha Muhlach, kasama ang E.A.T. hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at iba pang miyembro ng legit Dabarkads. Mainit ang pagtanggap ng publiko kay Atasha sa unang labas niya sa noontime show nitong nakaraang Sabado, September 23, 2023.
PHOTO/S: @atashamuhlach_ on Instagram

Positibo ang mga komento sa unang araw ni Atasha Muhlach bilang co-host ng E.A.T. at marami ang natuwa dahil bahagi na siya ng noontime program na isa nang institusyon.

Atasha Muhlach

Masayang-masaya, excited at kabado si Atasha nang ipakilala ito noong Sabado, September 24, 2023 bilang bagong miyembro ng Dabarkads ng E.A.T.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Atasha Muhlach

Pero walang nakahalata sa kaba na nararamdaman ni Atasha dahil nakipagsabayan siya sa mga host ng programa na mainit na mainit ang pagtanggap sa kanya.

Makatutulong nang husto kay Atasha ang E.A.T. stint nito para lalong mahasa ang pagsasalita niya ng Tagalog at mapalapit siya nang husto sa masa, tulad ng kanyang mga magulang na sina Charlene Gonzales at Aga Muhlach.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Minana rin ni Atasha ang kababaang-loob, kabaitan, ang pagiging grateful at appreciative ng kanyang ama at ina dahil marunong siya na magpasalamat, isang kagandahang-asal na wala na sa ibang mga baguhang artista.

Matapos ang unang paglabas niya sa E.A.T. noong Sabado, nag-post agad si Atasha ng mensahe ng pasasalamat sa kanyang Instagram account para sa bagong “pamilya” niya.

“First ever live performance on E.A.T. TVJ and was so happy to meet such a beautiful family. Super thank you guys. My heart is so full of gratitude and appreciation. Thank you! LEGIT DABARKADS,” ang Instagram post ni Atasha na may sagot din sa social media post ni Joey de Leon na nakahanap ng anggulo para sa kanyang suwabe na pasaring tungkol sa dating programa nila nina Tito at Vic Sotto sa TAPE Inc., ang Eat Bulaga!

“Welcome our new Dabarkads, Atasha Muhlach. Buo na ang Dabarkads at ‘yung anak ng ORIGINAL TITLE na pag-aari namin, the last three letters ay narito na!- Eat Bul-AGA,” ang Instagram post ni Joey na sinagot ni Atasha ng “Maraming-maraming salamat po. So happy to be a part of an amazing family. Thank you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang ipakilala si Atasha bilang bagong contract star ng Viva Artists Agency noong July 3, 2023, “We have the next big star in showbiz,” ang deklarasyon ni Viva Entertainment big boss Vic del Rosario.

Base sa ipinamalas kahapon ni Atasha sa E.A.T. at sa mainit na pagtanggap sa kanya ng publiko, malabong sumablay ang prediksyon ni Boss Vic dahil bukod sa pagiging showbiz royalty, talented ang anak nina Aga at Charlene at magaling sumayaw at kumanta, dalawa sa mga katangian ng mga potential big star.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atasha Muhlach, kasama ang E.A.T. hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at iba pang miyembro ng legit Dabarkads. Mainit ang pagtanggap ng publiko kay Atasha sa unang labas niya sa noontime show nitong nakaraang Sabado, September 23, 2023.
PHOTO/S: @atashamuhlach_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results