PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda Late, Rocco Nacino Guests

Guest na si Rocco Nacino, biglang naging host kahit ilang sandali.
by Jojo Gabinete
Published Sep 25, 2023
rocco nacino boy abunda fast talk
Lubos ang pasasalamat ng veteran TV host na si Boy Abunda (kanan) dahil isinalba siya ng kanyang guest na si Rocco Nacino (kaliwa) nang bahagya siyang ma-late sa 'Fast Talk With Boy Abunda' ngayong Lunes, September 25, 2023.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang masikip at mabagal na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Quezon Avenue sa Quezon City ang dahilan ng pagkakaantala ng pagdating ni Boy Abunda sa GMA Network nitong Lunes ng hapon, Setyembre 25, 2023.

Dahil dito, ang guest niyang si Rocco Nacino ang naging substitute host ng kanyang programa, ang Fast Talk With Boy Abunda.

rocco nacino fast talk

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humahangos na dumating si Boy sa studio at naabutan pa niya ang opening spiels ni Rocco, na biglang naging host ng live telecast ng Fast Talk With Boy Abunda sa loob ng ilang sandali.

Lubos ang pasasalamat ni Boy kay Rocco dahil sa ginawa nito.

rocco nacino boy abunda fast talk

Pinasalamatan din ni Boy ang driver ng motorsiklong sinakyan niya at naghatid sa kanya sa GMA-7 para makaabot siya sa Fast Talk With Boy Abunda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang makita ni Boy na hindi umuusad ang mga sasakyan sa Quezon Avenue, sinabi niya sa kanyang personal assistant na mag-book ng Angkas para makaabot siya sa programa.

Dahil nasa gitna sila ng trapiko, bumaba mula sa kanilang sasakyan ang kasama ni Boy at ang unang motorcycle driver (hindi Angkas) na nakita ang pinakiusapan nitong iangkas at ihatid ang TV host sa GMA Network.

Pumayag ang motorcycle driver na hindi makapaniwalang ang kilalang host ang kanyang pasahero mula sa kanto ng Quezon Avenue at EDSA hanggang sa GMA Network building sa Timog Avenue, Quezon City.

Read: Boy Abunda, hindi namimili ng guests sa Fast Talk With Boy Abunda: "I welcome everyone."

Bahagyang na-late si Boy at paulit-ulit ang pasasalamat niya kay Rocco dahil sa pagsasalba sa kanya.

Hindi makalilimutan ni Boy ang nangyari dahil ito ang unang pagkakataong nagkaroon siya ng ganitong klase ng problema sa kasaysayan ng kanyang hosting career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maagang umaalis si Boy mula sa kanyang bahay sa Commonwealth area para sa Fast Talk kaya hindi niya inaasahang maiipit siya sa mabagal at masikip na daloy ng trapiko na dahilan para ma-delay ang kanyang pagdating sa studio ng sariling TV show.

Si Rocco ang imbitadong artista sa Fast Talk With Boy Abunda.

Pinasalamatan naman ng Kapuso actor ang lahat ng tumatangkilik sa The Missing Husband, ang afternoon drama series na pinagbibidahan nila ni Yasmien Kurdi at napapanood bago ang programa ni Boy.

Sinabi ni Rocco na malaki ang naitulong ng mga natutunan niya noong contestant siya ng StarStruck Season V kaya walang kakaba-kaba at hindi nataranta ang aktor nang pakiusapan para maging substitute ni Boy habang hinihintay ang pagdating nito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lubos ang pasasalamat ng veteran TV host na si Boy Abunda (kanan) dahil isinalba siya ng kanyang guest na si Rocco Nacino (kaliwa) nang bahagya siyang ma-late sa 'Fast Talk With Boy Abunda' ngayong Lunes, September 25, 2023.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results