PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivamax star na si Manang Medina, boyfriend ang anak ni Rosanna Roces

Ama ni Manang Medina, sini-share ang trailer at pinapanood ang pelikula niya.
by Jojo Gabinete
Published Sep 29, 2023
manang medina boyfriend onyok velasco
Manang Medina on boyfriend Onyok Adriano, son of actress Rosanna Roces: “Actually, ipinakilala po siya sa akin ng mother niya and then, nag-meet po kami. Nakasama ko po siya sa Revirginized. Nag-extra po siya. Two years na po kami.”

Theater actress si Manang Medina kaya hindi nakapagtatakang marunong siyang umarte.

Napatunayan niya ito sa Langitngit, ang pangalawang pelikulang pinagbibidahan niya at mapapanood sa Vivamax simula sa October 6, 2023.

Maebelle Medina ang tunay na pangalan ng 21-year-old theater actress.

Pero Manang Medina ang kanyang ginamit na screen name. Nanggaling ito sa karakter na dapat na gagampanan niya sa isang proyektong hindi natuloy.

Kuwento niya, “During the pandemic, gagawa po sana kami ng short film na The Unmaking of A Manang.

"Parang aalisin ako sa pagiging manang ang kuwento ng short film kaya lang hindi po natuloy kaya tumatak sa followers ko na Manang ang pangalan ko. Saka para madali raw pong matandaan ng mga tao.

"Kaya lang po naging busy si Direk Darryl Yap. Sana matuloy pa kapag hindi na busy si Direk."

manang medina the unmaking of a manang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Manang ay protégé ni Direk Darryl dahil bukod sa mga bit role na ginampanan niya sa lahat ng mga pelikula ng direktor, production staff siya at in-charge sa wardrobe ng mga artista.

Magkakabayan din sila sa Olongapo, Zambales.

Unang nagbida si Manang sa Vivamax movie na Lagaslas. Pumasok sa isip niyang magpaseksi sa pelikula dahil sa kanyang pictorial para sa aborted project na The Unmaking of A Manang.

Read: Tapatan ng Vivamax vs. Goblin Films online streaming platforms, kaabang-abang

Kuwento niya, “Nag-start po akong magpaseksi nang mag-photo shoot po kami ni Direk Darryl para sa The Unmaking of A Manang.

“Naisip ko, bakit hindi ko i-try ang ganitong genre para ma-explore? Gusto ko po talaga, mag-explore sa iba’t ibang genre ng mga acting, hindi lang basta seksi, sa horror, drama, comedy.”

MANANG'S BOYFRIEND

Nang tanungin kung may boyfriend na siya, “Opo. Non-showbiz po,” sagot ni Manang.

Nagpaliwanag ang sexy star na tanggap ng kanyang karelasyon ang mga mapapangahas na love scenes niya sa pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Bago po niya ako makilala, alam na po niya na may kaya akong gawin dahil nakahubad ako sa photo shoot ng The Unmaking of A Manang,” sabi ni Manang.

Ano ang trabaho ng boyfriend niya?

“Actually, ngayon, wala po. Nagbi-business po siya ng shoes. Business sa bahay.”

Saan kayo nag-meet?

“Actually, ipinakilala po siya sa akin ng mother niya and then, nag-meet po kami. Nakasama ko po siya sa Revirginized. Nag-extra po siya. Two years na po kami.”

Umaarte rin ang nanay ng boyfriend mo?

“Opo.”

Kasamahan mo?

“Opo, sa Viva, pero hindi sa Vivamax.”

Ano ang pangalan?

“Rosanna Roces po.”

Si Dennis "Onyok" Adriano, ang bunsong anak ni Rosanna, ang boyfriend na tinutukoy ni Manang.

Nagulat si Manang dahil kilala namin nang personal ang kanyang live-in partner.

Read: Onyok Adriano on reconciliation with mother Rosanna Roces: “Napatawad na rin namin ang isa't isa.”

“Magkakasama po kami sa house, sa Antipolo!” tawa nang tawang sabi ni Manang nang malaman nitong kilala ng entertainment press ang boyfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Manang ang nag-asikaso sa wardrobe ng mga artista ng KPL (Kung Puwede Lang), ang 2021 mini-series ng Vivamax at dito niya unang nakatrabaho si Rosanna.

“Production staff po ako ng KPL. Nung ginagawa namin ang KPL, ipinapabati po sa akin si Onyok ni Mama O [Rosanna].

“So ako, ang tawag ko pa sa kanya [Onyok], 'Kuya Dennis.' Nakakatawa na ganoon kami nag-start,” salaysay ni Manang tungkol sa pagtatagpo nila ni Onyok.

Muling nagkasalubong ang landas ng dalawa sa set ng Revirginized dahil cast member si Rosanna, isinama nito sa shooting si Onyok na binigyan ni Darryl ng role sa pelikulang pinagbidahan ni Sharon Cuneta noong 2021.

Read: Pagtanggap ni Sharon Cuneta sa Revirginized, isang malaking risk sa kanyang career

“Laging galingan ang pag-arte,” ang sinabi ni Manang na madalas na payo sa kanya ni Rosanna.

Taong 2002 nang isilang si Manang kaya hindi na nito naabutan ang superstar days ni Rosanna, pero alam niyang sikat na sikat noon ang ina ng boyfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang popularidad ni Rosanna ang masasabing dahilan kaya nauunawaan ni Onyok ang pagpapaseksing ginagawa ni Manang sa mga proyekto nito.

HER FATHER'S REACTION

Inihinto muna ni Manang ang kanyang Tourism course para pagtuunan ng atensiyon ang acting career.

Si Manang ang bunso sa apat na magkakapatid (na kinabibilangan ng kambal). Sa edad na lima, naulila siya sa ina na binawian ng buhay dahil sa lupus.

“Namatay po ang nanay ko habang buntis uli siya sa kambal na anak.

“May memories po ako ng nanay ko pero konti lang kasi nung time na yon, palagi siyang nasa ospital. Pinupuntahan na lang namin.

"Ang tatay at lola ko po ang nagpalaki sa akin,” pagbabahagi ni Manang tungkol sa isang malungkot na bahagi ng kanyang buhay.

Nang magdesisyon si Manang na magpaseksi sa pelikula, nagulat ang kanyang ama pero inunawa at sinuportahan nito ang pangarap niya.

“Nung una, nabigla po ang daddy ko. Pero siyempre, tinanggap na rin niya yung gusto ko at sinusuportahan niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, sini-share niya yung trailers ng pelikula ko at pinapanood niya.

“Hindi ko na-imagine noong bata pa ako na mag-aartista ako. Simula noong mag-join ako ng teatro, sabi ko baka may future,” ani Manang

Itinuturing na inspirasyon ni Manang si Darryl sa pagpasok niya sa showbiz.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manang Medina on boyfriend Onyok Adriano, son of actress Rosanna Roces: “Actually, ipinakilala po siya sa akin ng mother niya and then, nag-meet po kami. Nakasama ko po siya sa Revirginized. Nag-extra po siya. Two years na po kami.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results