PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mikee Quintos, umasa na makakarelasyon niya ang sikat na aktor na ito

Na-friendzone si Mikee Quintos.
by Jojo Gabinete
Published Oct 1, 2023
Mikee Quintos
Akala ni Mikee Quintos, dadating ang panahong higit sa pagiging kaibigan ang magiging turing sa kanya ng pinangalanan niyang sikat na aktor. Sino kaya ito?
PHOTO/S: @filtra.shots via @mikee Instagram

Sina Mikee Quintos at Mikoy Morales ang mga bisita bukas, Lunes, Oktubre 2, 2023, 4:45 p.m., sa Fast Talk with Boy Abunda, at ang kanilang malalim na pagkakaibigan ang paksa ng pakikipagkuwentuhan nila kay Boy Abunda.

Imposible na hindi pag-usapan ang mga rebelasyon nina Mikee at Mikoy sa "Talk or Dare" segment ng programa dahil pinili nila na pangalanan ang mga kapwa artista na nagkaroon ng kakaibang epekto sa kanilang buhay.

Walang takot na binanggit ni Mikee ang pangalan ng sikat na aktor na kanyang inakala na makakarelasyon niya.

Inamin ni Mikee na umasa ito na higit pa sa pagiging magkaibigan ang magiging relasyon nila ng aktor, pero nagkamali siya.

Kung naging prangka si Mikee sa pagsisiwalat sa pangalan ng sikat na aktor sa panayam ni Boy, nag-isip muna si Mikoy bago ito nagkaroon ng lakas ng loob na pangalanan ang award-winning actress na iniiwasan niya dahil nagkakaroon siya ng anxiety sa tuwing nagkikita sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi itinanggi ni Mikoy ang hindi magandang karanasan nito sa respetadong aktres nang magkasama sila sa isang proyekto. Hanggang ngayon, hindi pa raw niya makalimutan ang insidente na nagdulot sa kanya ng trauma.

Inaasahan na hihingin ang reaksyon ng sikat na aktor at ng award-winning actress tungkol sa mga nakakaintriga at kontrobersyal na rebelasyon nina Mikee at Mikoy sa national television.

Napag-usapan din sa guesting ng dalawa sa talk show ang pagtutol noon ni Mikoy sa relasyon nina Mikee at Paul Salas.

Inamin din nila na may sinumpaan silang pangako na kapag kapwa wala pa silang mga karelasyon o asawa sa edad na 40, bibigyan nila ng pagkakataon ang isa't isa na magmahalan nang higit pa sa magkaibigan.

Read: Paul Salas reacts to Andrea Brillantes saying he was her childhood crush

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Akala ni Mikee Quintos, dadating ang panahong higit sa pagiging kaibigan ang magiging turing sa kanya ng pinangalanan niyang sikat na aktor. Sino kaya ito?
PHOTO/S: @filtra.shots via @mikee Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results