May reaksiyon ang direktor na si Brillante Mendoza tungkol sa mga social media post na nabasa niya mula sa mga artistang naimbitahan sa Ball at nagpasalamat sa Panginoong Diyos.
Walang binanggit na okasyon ang Cannes-winning director, pero tanging ang ABS-CBN Ball na ginanap sa Shangri-La Hotel sa Makati City noong Sabado, September 30, 2023, ang showbiz event na nangyari at pinag-usapan dahil sa pagdalo ng mga sikat na personalidad.
Read: ABS-CBN Ball 2023: Grand celebration of gratitude and fashion
May mga natawa sa tanong na ito ni Direk Brillante: “Honest question… baket nagpapasalamat kay Lord kapag na-invite sa ball? Religious gathering ba ang ball?”

Wala ring binanggit si Brillante na pangalan ng artista, pero hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang paulit-ulit na pasasalamat ni Baron Geisler sa Diyos dahil makalipas ang labing-apat na taong hindi pag-iimbita sa kanya, naimbitahan siya sa ABS-CBN Ball noong Sabado.
Read: Baron Geisler gets invited to ABS-CBN Ball after 14-year ban: “I won’t mess it up.”
Sa kanyang Instagram post noong September 16, 2023, sinabi ni Baron na “It has been more than a decade since I was invited to the ABS-CBN Ball due to my bad behaviour during the previous ones.
“Now, I am humbled and grateful that they welcome me back with open arms.”
View this post on Instagram
Nang dumalo si Baron sa ABS-CBN Ball noong September 30, muli itong nagpasalamat sa pamamagitan ng Instagram post: “Forever Grateful for your never-ending grace and mercy Abba, Father!"
Ibinahagi rin ni Baron ang ilang mga larawan na kuha mula sa showbiz gathering na kanyang pinuntahan.
Mensahe niya: “Some of the captured moments from last night. Sobrang dami pa photos. Hope ma-send sa akin. I super-duper had fun last night!
“Na-miss ko si Direk Coco Martin. Sobrang saya ng mga kuwentuhan at reminiscing usapan. Grabe, everyone was just so grounded last night. Thank you Lord!”
View this post on Instagram
Trivia: Nagkatrabaho sina Brillante at Baron sa pelikulang may working title na Bangsamoro pero hindi pa naipalalabas.
Si Brillante ang direktor ng proyekto at si Baron ang isa sa mga artista ng drama-action movie na pinangungunahan ni Piolo Pascual.