Nagdesisyon ang MTRCB noong Pebrero 2023 na tuluyan nang i-ban o huwag ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang Hollywood movie na Plane dahil kinondena ng mga senador ang mga eksenang diumano’y nakasisira sa magandang imahe ng ating bansa.
Ang Plane ay action movie na pinagbibidahan ni Gerald Butler.
Read: Senator Robinhood Padilla wants to ban Hollywood movie Plane in the Philippines
Nabahala ang mga senador na sina Robin Padilla at Ronald dela Rosa sa mga eksenang nagpakita na walang kakayahan ang Philippine military na sugpuin ang mga masasamang gawain ng mga rebelde sa pelikulang ipinalabas sa Philippine cinemas noong January 2023.
Bahagi ng pahayag ni Senator Robin sa kanyang privilege speech tungkol sa Plane: “Alam niyo po napakasakit at sinabi pa dito, 'They went down somewhere down in the Jolo cluster. It’s run by separatists and militias. The Filipino armies weren’t there anymore.'
“Dito sa pelikula, sinasabi na ang atin pong awtoridad ay naduwag na sa mga rebelde. Hindi na po sila umaaksyon.”
Kasunod nito ang apela niya kay Senate President Juan Miguel Zubiri na, “Ginoong Pangulo, hindi po ito dapat natin tanggapin.
"Sana po, nakikiusap ho tayo sa ating MTRCB na sana po sa mga ganitong ganap, kumakatok po tayo sa opisina nila. Hindi po ito dapat ipinapalabas sa Pilipinas.
“Dito po dapat sa ating bansa, ipinagbabawal ito at kino-condemn po natin ito.”
Dahil sa pakiusap nina Robin at dela Rosa, ipinahinto ng MTRCB ang cinema exhibition sa Pilipinas ng Plane.
Read: MTRCB: Hollywood movie Plane voluntarily pulled out by distributor
Pero may panibagong hamon sa mga senador: ang The Big Boss: A 21st Century Criminal, ang 2019 documentary series na kasalukuyang napapanood sa Netflix.
Ang two-part series na ito ay tumatalakay sa kuwento ng buhay ng South African computer genius na si Paul Le Roux.
Pinili niyang manirahan sa Pilipinas para maging sentro ng kanyang mga gawaing masasama at mga ilegal na negosyo noong 2017.
Nagtayo si Le Roux sa Pilipinas ng call center company; nagbukas ng mga opisina sa Makati business district; bumili ng bahay at nanirahan sa posh Dasmariñas Village, Makati City; nagkaroon ng relasyon at anak sa isang Pilipina na nagngangalang Candy Cayanan.
Si Le Roux ay isang international drug kingpin na binansagang "The Most Dangerous Man in the World" na nasangkot din sa mga kaso ng pagpatay.
Si Thomas Cindric, ang former special agent ng Drug Enforcement Administration ng U.S. government, ang isa sa mga resource person ng The Big Boss.
Siya ang nagbitaw ng mga salitang tiyak na hindi ikatutuwa ng mga senador ng Pilipinas dahil halaw sa mga tunay na pangyayari at hindi mula sa kathang-isip, tulad ng kuwento ng Plane, ang kanyang pahayag.
Deklarasyon ni Cindric: “The Philippines was a place that he could operate. He knew he could buy off law enforcement and government officials.
“There is also a lawlessness there. You can do a hit for 50 dollars. For 100 dollars, you can have somebody murdered.”
Paulit-ulit na binanggit sa The Big Boss ang pangalan ng mga tao, kabilang ang mga Pilipinong sangkot sa mga ilegal na negosyo ni Le Roux.
Tiyak na marami ang magkakaroon ng interes, lalo na ang mga senador na nakaupo ngayon sa puwesto, na malaman ang katauhan ng senador na hindi pinangalanan ng journalist na si Marites Vitug na isa rin sa mga resource person ng documentary series ng Netflix.
“Famous story” ang pagsasalarawan ni Vitug tungkol sa kaso ng anak ng senador na sinaktan umano ni Le Roux sa pamamagitan ng baseball bat dahil tumangging makipagtalik sa kanya.
“This revelation about Le Roux really, really again shocked me when Le Roux apparently had a date with a lady whom he roughed up. And this lady happened to be the daughter of a senator of the Republic of the Philippines and the senator complained.
“Le Roux paid him off. If I’m not mistaken, maybe anywhere from at least a million dollars and then the senator backed off.
“I mean, who would do this if your daughter were beaten by a criminal? But it means that you can pay off anyone at the expense of even your family’s dignity,” salaysay ni Vitug tungkol sa mystery senator.
Napabalita noong tumanggap ng US$3 million ang senador para hindi na ituloy ang pagsasampa ng reklamo laban kay Le Roux, na nahatulan ng 25 taong pagkakakulong sa U.S. federal prison.