PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Thai Police Find 2 Bodies in PH Cargo

Mga biktima, dalawang linggo nang patay nang matagpuan.
by Jojo Gabinete
Published Oct 4, 2023
cargo container
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Thai Police ang mga naaagnas na bangkay ng isang babae at isang lalakeng natagpuan sa loob ng 20-foot shipping container na nanggaling sa Pilipinas. Natagpuan ang mga bangkay sa Lat Krabang container yard, sa Thailand, noong Lunes, Oktubre 2, 2023.
PHOTO/S: Ruamkatanyu Foundation

Iniimbestigahan ng Thai Police ang mga naaagnas na bangkay ng isang babae at isang lalakeng natagpuan sa loob ng 20-foot shipping container na nanggaling sa Pilipinas.

Natuklasan ang mga bangkay ng mga hindi pa nakikilalang biktima sa Lat Krabang container yard, sa Thailand, noong Lunes, Oktubre 2, 2023.

Read: Brazilian actor Jefferson Machado, natagpuang patay sa loob ng ibinaong wooden chest

Sa imbestigasyon ng Thai Police, idineklarang walang laman ang cargo container na nagmula sa Pilipinas noong Setyembre 28, 2023 at ibiniyahe ng barko patungo sa Thailand.

Lumitaw sa resulta ng autopsya na dalawang linggo nang patay ang mga biktimang walang mga ID na pagkakakilanlan at walang anumang sugat sa mga katawan.

Nahihirapan ang mga awtoridad na tukuyin ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima dahil naaagnas na nga ang mga bangkay at isang buwan ang hihintayin para sa resulta ng tissue tests.

Pero pinanonood nila ang mga surveillance o security video para sa anumang ebidensya na makatutulong sa imbestigasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahigpit ang pagkakakandado sa container unit kaya may suspetsa ang mga imbestigador na na-suffocate dahil sa kawalan ng hangin ang mga nakakulong na biktima.

Pinaniniwalaan ding hindi mga illegal immigrant ang lalake at babae dahil wala silang mga dala na gamit o maleta.

Pero nakita sa tabi ng mga bangkay ang isang T-shirt na may tatak na "Alpha Kappa Rho, Vincit Omnia Veritas," na maaaring maging susi sa isinasagawang imbestigasyon.

Ang Alpha Kappa Rho ay isang international fraternity at sorority na itinatag ng labing-anim na estudyante ng University of Sto. Tomas noong August 8, 1973.

May kasabihan o Latin motto itong “Vincit Omnia Veritas” na "Truth Conquers All" ang kahulugan.

Hihingin ng Thai Police ang tulong ng Philippine Embassy para malaman nila kung may mga Pilipino na iniulat na nawawala.

Huminto ang barko sa Hong Kong at Taiwan bago bumiyahe sa Thailand kaya magtatanong din ng impormasyon sa Chinese Embassy ang Thai Police.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga cargo container ang ginagamit sa pagpupuslit sa ibang bansa ng mga illegal immigrant.

Ganito ang kuwento ng 2011 movie na Silent Cargo, na tungkol sa labindalawang illegal immigrants na tumakas mula sa bansa nila sa pamamagitan ng pagtatago sa loob ng shipping container pero apat lamang ang nakaligtas dahil namatay sa kawalan ng pagkain, tubig, at hangin ang kanilang mga kasama.

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Thai Police ang mga naaagnas na bangkay ng isang babae at isang lalakeng natagpuan sa loob ng 20-foot shipping container na nanggaling sa Pilipinas. Natagpuan ang mga bangkay sa Lat Krabang container yard, sa Thailand, noong Lunes, Oktubre 2, 2023.
PHOTO/S: Ruamkatanyu Foundation
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results