PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zanjoe Marudo and Elijah Canlas Shine in Netflix Film

Zanjoe Marudo at Elijah Canlas, parehong magaling sa 'Keys To The Heart.'
by Jojo Gabinete
Published Oct 5, 2023
elijah canlas zanjoe marudo keys to the heart
Zanjoe Marudo and Elijah Canlas deliver top-notch performance in the Philippine adaptation of the Korean movie 'Keys To The Heart.'
PHOTO/S: Netflix Philippines

Ang mahusay na pagganap nina Zanjoe Marudo at Elijah Canlas ang isa sa mga dahilan kaya dapat panoorin ang heartwarming at feel-good movie na Keys to the Heart.

Nag-umpisa ang streaming nito sa Netflix ngayong Miyerkules, Oktubre 4, 2023.

Read: Film director Kerwin Go lauds stellar performances of "Keys to the Heart" leads Dolly de Leon, Elijah Canlas, Zanjoe Marudo

Sina Zanjoe at Elijah ang mga pangunahing bida sa Philippine adaptation ng South Korean comedy-drama movie na ipinalabas sa mga sinehan noong 2018. Bida rito sina Lee Byung Hun at Park Jung Min.

keys to the heart 2018

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling ipinamalas ni Elijah ang kanyang pagiging mahusay na aktor dahil sa kanyang makatotohanang pagbibigay-buhay sa katauhan ng isang high-functioning autistic.

Pero mamahalin ng mga manonood si Zanjoe dahil sa mahusay na pagganap niya bilang isang boksingerong nahihirapang matupad ang mga pangarap.

Ipinakita ni Zanjoe na isa siya sa mga pinakamahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon at may karapatan siyang magkaroon ng best actor nomination sa mga award-giving body sa susunod na taon.

Si Dolly de Leon ang gumanap na ina nina Zanjoe at Elijah sa Keys to the Heart. Ito ang unang proyektong ginawa niya nang bumalik siya sa Pilipinas noong 2022 pagkatapos ng kanyang kampanya para sa best supporting actress category ng 95th Academy Awards para sa Triangle of Sadness.

keys to the heart netflix

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kasamaang-palad, miyembro si Dolly ng Screen Actors Guild- American Federation of Television and Radio Artists (SAG-AFTRA), na nakikiisa sa ipinaglalaban ng mga kapwa niya miyembro, kaya hindi siya nag-promote ng kanyang maipagmamalaking pelikula nila nina Zanjoe at Elijah, na malaki ang tsansang maging number one movie sa Netflix Philippines.

May importanteng papel sa Keys to the Heart si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at makatutulong ang partisipasyon niya sa pelikula para lalong mapag-usapan ang kanyang pagsali sa 72nd Miss Universe na magaganap sa El Salvador sa November 18, 2023.

Si Kerwin Go ang direktor ng Keys to the Heart, at muli niyang napatunayan ang husay ng mga Pilipino sa paggawa ng mga pelikula dahil lumabas na mas maganda ito kesa sa orihinal na bersyon.

Ang Creative Leaders Group 8, Viva Films, at ang Reality MM Studios nina Dondon Monteverde at Erik Matti ang mga producer ng Keys to the Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

keys to the heart cast director producer

Hindi nagdalawang-isip sina Dondon at Erik na maging co-producer ng Philippine adaptation ng Keys to the Heart dahil maganda ang proyekto at naramdaman agad nilang magugustuhan ito ng mga manonood.

Ang local adaptation ng Korean horror top-grosser na Gonjiam: Haunted Asylum at ang vigilante series na Taxi Driver ang dalawa sa mga nakalinyang proyekto ng Reality MM Studios at Creative Leaders Group 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zanjoe Marudo and Elijah Canlas deliver top-notch performance in the Philippine adaptation of the Korean movie 'Keys To The Heart.'
PHOTO/S: Netflix Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results