Pito ang bilang ng mga tattoo ni Heaven Peralejo sa magkabilang braso na may mga kahulugan, naghahatid ng inspirasyon, at nagsisilbing paalaala sa kanya.
Hindi naging maramot si Heaven sa pagbabahagi tungkol sa simbolo ng bawat tattoo sa kanyang katawan—ang puso, buwan, dalawang ibon na lumilipad, ang salitang surrender, arrow, lotus flower at morse code.
“I have seven tattoos,” sabi ni Heaven nang magpakita ng interes ang Cabinet Files na malaman ang mga simbolo ng kanyang mga tattoo.
“Yung heart, to always keep myself whole. Na hindi ko kailangan humingi ng pagmamahal sa iba para malaman ko na lovable ako.
“It’s more of accepting myself and it’s more about loving myself like through all the flaws and the traumas.

“Yung moon, nakakatuwa nga. I got this before Luna," pagtukoy ni Heaven sa pangalan ng kanyang karakter sa Viva One series na The Rain In España.
“I think I was in Boracay, it was one of my darkest times. May time na sobrang dark na ng buhay ko.
“Yung surrender, I got it in Bali ‘coz I found out, I was listening to this podcast about just surrendering in life.
"Mas nakaka-lessen yon ng anxiousness, ng stress, and yes, I am surrendering," paliwanag ni Heaven.
Ayon kay Heaven, nakatulong sa mga karakter na kanyang ginagampanan sa telebisyon at pelikula ang pagsuko o pag-surrender na ginagawa niya sa mga kinakaharap na pagsubok.
Mahal na mahal ni Heaven ang nanay nito kaya ipina-tattoo niya ang dalawang ibon na lumilipad bilang pagbibigay-pugay sa magulang na nagbigay sa kanya ng buhay.
Kuwento ni Heaven, “This is my first tattoo, this is Mama.
"This is me kasi, like freedom, itong birds na 'to signifies na may family sila, tapos aalis sila sa family nila. They’re gonna explore.
"Pero at the end of the day, babalik sila sa family nila.
"Mama is letting me explore life but, at the end of the day, I will always go back to her. I will always support her."
Dagdag pa ni Heaven, “Itong arrow means never lose my passion or my goals in life.
"Kunyari, may mga pumasok na problema, sometimes, nawawala ka na lang sa telebisyon. It’s a reminder for me to always have this direction, kahit anong mangyari.
“Itong lotus, may nagsabi sa akin na ang lotus, nabubuhay kahit sa mud.
“So, kahit anong pangit ng situation, you rise from it. You grow from it and you become this beautiful person.”

Napangiti naman si Heaven nang tanungin tungkol sa kahulugan ng kanyang morse code tattoo.
“Secret… alamin niyo na lang,” sabi niya.