PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor Na-trauma Sa Popularity

Parang may tormentor siya sa set.
by Jojo Gabinete
Published Oct 13, 2023
Blind item about an actor who is being forced to come out
Aktor, piniling umiwas sa kapwa artista na paulit-ulit kinukuwestiyon ang kanyang pagkalalake.

Sensitibo ang aktor na contract star ng isang major TV network kapag tungkol sa sexual preference niya ang topic.

Hindi siya natutuwa sa mga taong kinukuwestiyon ang kanyang pagkatao at kasarian.

Nasasaktan siya sa paulit-ulit na pagdududa sa sexual orientation niya, at ito ang dahilan kaya lumalayo siya sa mga kapwa artista na patuloy na iniintriga ang kanyang pagkalalake.

Isang popular personality sa entertainment industry ang iniiwasan ng aktor dahil sa naging epekto ng paulit-ulit na tanong sa kanya.

Tila nagkaroon ng trauma ang aktor dahil sa pagtatangka o pamimilit na paamining bakla siya.

Para sa mga taong nakikisimpatiya sa aktor, may rason para magtanim ng sama ng loob at layuan ang "tormentor" niya dahil "bullying" na ang ginagawa sa kanya.

Besides, walang sinuman ang may karapatang pilitin na paaminin ang kahit sino tungkol sa sexual preference niya.

Hindi tama ito.

Isa itong paglabag sa karapatang pantao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
blind item, coming out
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aktor, piniling umiwas sa kapwa artista na paulit-ulit kinukuwestiyon ang kanyang pagkalalake.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results