PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bugoy Drilon on settling down

Bugoy, malaki na ang nabago sa buhay mula nang sumali sa 'Pinoy Dream Academy.'
by Jojo Gabinete
Published Oct 14, 2023
bugoy drilon
Bugoy Drilon: “Sa akin, ano ba talaga yung word na laos? Kasi kami po, ang ginagawa namin, we just want to share our stories through our music. Bonus na lang po yung we get recognized, naa-appreciate ang music namin.”

Marami na ang nagbago sa buhay ni Bugoy Drilon mula nang sumali siya, sa edad na 18, sa Season 2 ng Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN noong 2007.

Read: Bugoy Drilon on rumored ban from ABS-CBN: "Wala po akong sinunog na tulay."

Ito ang kanyang ibinahagi sa digital media conference nila ni Daryl Ong para sa kanilang U.S. concert tour, ang B.A.D. Boys of RNB.

Janitor na nagtatrabaho sa canteen ang pinagkakakitaan ni Bugoy bago siya pumasok sa talent search competition ng ABS-CBN.

Kahit hindi siya ang grand champion, malaki naman ang ipinagbago ng kanyang kapalaran.

“Yung buhay namin ngayon, we’re able to eat what we want. Napatapos ko yung mga kapatid ko, then one of my sisters is working in Dubai.

“Marami po ang nabago sa akin, not only sa sarili ko but my entire family so I’m very grateful.

“Ang daming nabago, pati rin po yung pakikisama ko sa ibang tao,” kuwento ni Bugoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bugoy Drilon wishes for more work as he turns 21

Binata pa rin si Bugoy sa edad na 33 kaya naniniwala siyang hindi pa ito ang panahon para magkaroon siya ng sariling pamilya.

“Single pa rin po until now. I mean, I tried naman na mag-date but siguro hindi pa time ko to have a family. Hino-hone ko lang po kung ano ang kaya kong magawa sa career ko.

“I think my purpose is to focus more sa career ko because I feel na marami pa akong puwedeng i-share.”

DILEMMA OF SINGERS

Si Daryl ang unang nagsalita tungkol sa dilemma ng ibang mga mang-aawit, ang pagkakaroon ng pakiramdam na irrelevant o laos na sila dahil sa dami ng mga baguhang lumilitaw, lalo na sa panahon ng pamamayagpag ng social media.

Nang hingin namin ang opinyon ni Bugoy tungkol sa pagiging relevant, sinabi niyang maraming bagay ang maaaring gawin para manatiling makabuluhan sa mundo na ginagalawan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya, “Let’s be honest, people will always have their own opinion po. Hindi naman natin yon makokontrol.

“Sa akin, ano ba talaga yung word na laos? Kasi kami po, ang ginagawa namin, we just want to share our stories through our music.

“Bonus na lang po yung we get recognized, naa-appreciate ang music namin.”

Natatakot ba siyang maging irrelevant?

"Nasa sa yo naman yan, e. As long as you’re still alive, you can do a lot of things to become relevant.

“Magiging irrelevant ka lang if mag-stop ka sa gusto mong gawin in life.

“Whether isa lang ang manood or dalawa but they believe sa ginagawa mo, you should already be thankful. People kasi forget to be grateful,” sagot ni Bugoy.

Naniniwala si Bugoy sa kasabihang “If you want to help yourself, go help yourself.”

Saad niya, “Totoo po yun. Ipinanganak tayong mag-isa, mamamatay rin po tayong mag-isa.

"Yung mga tao na nami-meet natin, they’re just a part or help for us to reach kung ano ang journey natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-umpisa ang U.S. concert tour nina Bugoy at Daryl sa Jefebet Center Silver Nuggets Casino, Las Vegas, noong October 13, 2023.

Nasundan ito ng show nila sa The Historic Bal Center ng San Leandro, California noong October 14.

Itatanghal din ang B.A.D. Boys of RNB sa November 3, 2023 sa Oxnard Performing Arts Center, Oxnard, California, at sa November 4, 2023 sa Celebrity Center, Hollywood, California.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Drilon: “Sa akin, ano ba talaga yung word na laos? Kasi kami po, ang ginagawa namin, we just want to share our stories through our music. Bonus na lang po yung we get recognized, naa-appreciate ang music namin.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results