Mt. Samat ang pamagat ng limited television series na proyekto ng Filipino-American lawyer na si Gerard Pizarro.
Dalawang dekada muna siyang nag-practice ng kanyang propesyon, namahala sa mga research at development para sa mga mga university at U.S. government agencies, hanggang mapagtanto na ang paggawa ng mga pelikula ang kanyang gusto.
Sa pagnanais na matupad ang pangarap, nag-aral si Gerard ng filmmaking sa San Francisco Film School noong 2010 at ang kanyang unang short film, ang Emancipatus Emma ang isa sa mga official selection sa 2012 Manhattan Film Festival.
Noong 2012, nagwaging Best Feature sa Domestic & International Michigan Film Awards ang Blood on Canvas, ang pelikula na si Gerard ang producer, direktor, at sumulat ng kuwento.
Halaw naman ang Mt. Samat mula sa The Man Behind the Uniform, ang libro tungkol sa makulay na buhay ni Tony Pizarro, ang ama ni Gerard na isinilang sa Orion, Bataan, noong 1940.
Nakaranas ito ng kahirapan at nagtagumpay sa buhay nang mag-migrate sa Amerika at naglingkod bilang US Navy officer.
Nakatakdang maganap sa October 28, 2023, ang book reading at paglulunsad sa The Man Behind the Uniform sa Pizarro Estate, Rancho Santa Fe, California.
Kasabay ng book launch ang opisyal na paglulunsad sa Pizarro Creative, ang production company na producer ng Mt. Samat.
Kukunan ang mga eksena ng pelikula sa Bataan, kaya uuwi ng Pilipinas si Gerard at ang kanyang production crew.
“My father Tony, he migrated to the United States in 1959, by way of US Navy.
“He’s from Orion, Bataan, and the story begins in Orion, Bataan in 1941. He was born in 1940 and it really hit me because that was when the Japanese had invaded the Philippines.
“Both my mother and father as children were part of that, as the Japanese rammed through Bataan.
“Apparently, there was a confession that my grandfather had shared with my father as a baby, ‘By the way, when you were a baby, I almost had to slaughter you to keep you from alerting the Japanese.’
“My grandfather was trying to share something that he harbored since the war,” lahad ni Gerard tungkol sa kuwento ng buhay ng kanyang ama na kapupulutan umano ng mga aral at magbibigay ng inspirasyon.
Isang sikat na Filipino celebrity ang napipisil ni Gerard para gampanan ang katauhan ng kanyang ama pero hindi niya sinabi ang pangalan ng A-lister actor dahil hindi pa tapos ang negosasyon nila.