Si Dr. Michael Raymond Aragon ang isa sa mga nagtatag ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) at kabilang siya sa mga nagsampa ng reklamo laban sa sexy actress na si Angeli Khang.
Inakusahan ng kanilang organisasyon ng paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code in relation to Cyber Crime Prevention Act of 2012 si Angeli.
Read: Angeli Khang, kinasuhan dahil sa pagpu-post ng "explicit scenes" ng Vivamax movies
Si Aragon ang reference person sa media advisory na inilabas ng KSMBPI tungkol sa paghahain nila ng reklamo laban kay Angeli sa Pasay City Prosecutor’s Office noong nakaraang Martes, Oktubre 10, 2023.
Si Jojo Veloso ang discoverer at namamahala sa career ni Angeli.
Ang pagsasampa ng reklamo ng KSMBPI laban sa kanyang alagang aktres ang naging instrumento kaya lumitaw ang video ng pag-uusap nina Aragon at Veloso na in-upload sa YouTube Channel ng KRTV noong September 7, 2022 at may pamagat na SOCMED House Bahay ni Direk Miah.
Mapapanood sa video ang buong pagmamalaking pagpapakilala ni Aragon kay Veloso sa mga aspiring actors na tinutulungan noon ng KSMBPI bilang adviser ng kanilang organisasyon.
“Si Mr. Jojo Veloso is a famous talent manager. Institusyon na si Jojo sa showbiz o sa pelikula.
“Siguro, kilala ninyo yung mga na-discover niyang mga artista in the likes of Mr. Richard Gomez, it was Jojo Veloso who managed him, Alice Dixson, si Rita Avila, si Ina Raymundo and so many other talents from Viva."
[Isang paglilinaw mula sa Cabinet Files: Ang namayapa at iginagalang na showbiz talent manager na si Douglas Quijano ang manager ni Richard.]
“Currently, Jojo is still with Viva providing talents. Mga bagong talents ni Jojo ang nandiyan sa Viva. Let me just mention a few, AJ Raval, Ayanna Misola, Angeli Khang, ito yung mga up and rising stars ng Viva Films.
“So we would like to thank Jojo Veloso for really joining us para i-welcome kayo dito sa bahay ni Direk Maiah, sa SocMed house,” ang pahayag ni Aragon na siguradung-sigurado sa mga impormasyon na sinabi niya sa mga baguhang artista na tinutulungan ng KSMBPI.
“This is going to be the beginning of your journey towards stardom. Basta galingan ninyo lang. This is your acting workshop, reality TV acting workshop and you’re streamed all over the world. Hindi lamang ang mga Pinoy ang nanonood sa inyo, buong mundo.
"So dinala natin sila dito [Veloso and talent Aerol Bren Carmelo] because they are part of our advocacy group, Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas.
“Jojo Veloso is one of our supporter and of course, tinitingala natin na adviser because showbiz industry, yan talaga si Jojo.
"Mga kasama ni Jojo longtime before, mga batikang direktor, Lino Brocka, Laurice Guillen…since kayo mga aspiring artist, gusto namin kayo tulungan through our program nang libre,” ang karagdagang pananalita ni Aragon.
Makikitang todo ang pagpuri noon dito ni Aragon kay Veloso, pero makalipas ang isang taon, naghain ng reklamo ang kanilang grupo laban sa talent ni Veloso na si Angeli Khang.
Tiniyak ng KSMBPI na madaragdagan pa ang mga sasampahan nila ng reklamo at malinaw na nakasaad ito sa kanilang inilabas na media advisory.
“We are appealing then to the members of our country's silent majority to WAKE UP and join our CRUSADE vs moral decay and anarchy in social media.
“Let us all join forces and move towards a high moral ground in fighting the chaos ang obscenity plaguing our country's social media platforms today.
"Let’s all do this for the sake of our nation and people most especially our children,” bahagi ng deklarasyon ng KSMBPI na pinagdududahan ngayon ang tunay na motibo dahil sa paglitaw ng video ng pagtatagpo noon at pagpuri nang husto ni Aragon sa manager ni Angeli na ipinakilala niya bilang taga-payo ng kanilang samahan.