Lovers/Liars ang pamagat ng primetime drama series na pangungunahan ni Claudine Barretto.
Ito rin ang hudyat ng pagbabalik ng aktres sa GMA-7 makalipas ang labindalawang taon.
Co-production venture ng Regal Entertainment Inc. at ng GMA Network Inc. ang Lovers/Liars, na mapapanood simula sa susunod na buwan, Nobyembre 2023.
Ito ang ipapalit sa timeslot na mababakante ng Unbreak My Heart, ang primetime series na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria, na nauugnay kay Raymart Santiago, ang estranged husband ni Claudine.
Si Claudine ang unang nag-anunsiyo sa kanyang Instagram account ng proyektong gagawin niya sa Kapuso Network.
View this post on Instagram
Read: Claudine Barretto reveals plan to sign with AMBS 2
Ang huling teleseryeng pinagbidahan ni Claudine ay ang Bakit Manipis ang Ulap? ng Viva Television at TV5. Napanood ito sa Kapatid Network mula February 15, 2016 hanggang April 22, 2016.
Ang Instant Daddy director na si Crisanto Aquino ang direktor ng Lovers/Liars, na halaw mula sa kuwento ng multi-awarded writer-director na si Joey Reyes.
Sina Rob Gomez, Lianne Valentin, Yasser Marta, Shaira Diaz, Kimson Tan, at Michelle Vito ang ilan sa mga artista na makakasama ni Claudine sa Lovers/Liars.
Malalaman sa 24 Oras ngayong Biyernes ng gabi, Oktubre 20, 2023, ang mga detalye tungkol sa pagbabalik-Kapuso ni Claudine, na maligayang-maligaya dahil sa mga positibong komentong natatanggap niya.
Sina Anne Curtis, Gladys Reyes, Rita Daniela, Sofia Andres, Beverly Vergel, at Almira Muhlach ang ilan sa mga kasamahan ni Claudine sa industriya na nagbunyi dahil magiging aktibo na uli siya sa pag-arte.