Bumuhos ang mga mensahe ng suporta kay Baron Geisler mula sa social media followers niya matapos maglabas ng opisyal na pahayag ang kanyang manager na si Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuits Inc. tungkol sa diumano’y misleading reports na tatanggalin ang award-winning actor sa cast ng Senior High dahil sa delinquent behavior niya.
Read: Talent manager Arnold Vegafria denies Baron Geisler terminated from 'Senior High'
Itinanggi ni Arnold ang mga negatibong balita laban kay Baron, pero kinumpirma niyang pansamantalang magpapahinga ang aktor sa partisipasyon nito sa Senior High dahil sa dalawang pelikulang gagawin niya.
Ikinatuwa ni Baron ang pahayag na inilabas ng talent management company na namamahala sa acting career kaya hinimok niya ang kanyang followers na ibahagi ang kopya ng official statement.
Mensahe niya, “You may share this truth folks. Thank you very much. I really appreciate it. Yakap!”

May reaksiyon din si Baron sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya.
Saad niya, “I am blessed that I get to do movies as well... had to fix schedule plus not burning bridges in the process. I’m grateful kay God na di na ako katulad ng dati na bigla na lang sasagot sa mga baseless issues. Guess I'm growing up slowly but surely. Work in progress."

Ipinarating din ni Baron ang lubos na pasasalamat sa kanyang manager na si Arnold dahil sa mga tulong na ibinibigay nito sa kanya.
Aniya, “Thanks also to my manager Arnold Vegafria for helping me solve this issue and schedules."
Tiniyak ng aktor na "sobrang saglit" lamang ang pagkawala niya sa Senior High.
Ito naman ang ilan sa mga mensahe ng kanyang followers:



